Tigresses inakay ang kampo sa do-or-die match, nilapa Bulldogs sa Finals Game 2

Photo Courtesy of The Varsitarian/TomasinoWeb

Buong lakas na sinakmal ng No. 1 University of San Tomas Growling Tigresses (UST) ang National University (NU) Lady Bulldogs sa ginanap na do-or-die match Finals Game 2 sa UAAP Women’s Basketball Season 88, sapat upang muling magharap sa Finals Game 3 matapos ang 95-70 panalo nitong Diseymbre 10, 2025 sa MOA Arena, Pasay.

Humarabas ng solidong 17 puntos at limang rebounds si Karylle Sierba upang akayin ang Tigresses kontra Bulldogs, habang umalalay si Brigette Santos na tumikada ng 15 markers at apat na steals.

Aminadong nanghinayang si Sierba sa kanilang unang laban sa finals, na sinamantala ng Bulldogs upang dakpin ang Finals Game 1.

“We enjoyed throughout the game. We lost that enjoyment in Game 1. Today, we executed really well. We followed the game plan to a T. I hope we play the same way in Game 3,” wika ni Sierba.

Mabisang atake agad ang ipinamalas ni Sierba sa unang simula ng kwarter, kontroladong depensa upang malusutan ang Bulldogs matapos kumadada ng limang puntos ang Tigresses upang maunang makabwelo kontra NU, 5-2.

Isang three-point shot pa rin mula kay Sierba ang sumira sa depensa ng NU upang palawigin ang kalamangan.

Bumilis ang tensyon matapos rumatsada si Kristine Cayabyab ng tres upang subukang idikit ang Bulldogs sa nag-aalab na opensa ng UST.

Kalbaryo ang dinanas ng NU nang igapos ng UST ang 9-0 run na lalong nagpahirap sa Bulldogs, 9-0.

Sa huling dalawang minuto ng ikatlong quarter, nagpasiklab ng dalawang three-point shot si Sierba upang manatili sa kontrol ang Tigresses.

Hindi na pinaporma ng UST ang NU sa huling yugto matapos iguhit ni Santos ang mga panapos na puntos na nagdikta ng kanilang kapalaran at tuluyang nagpadala sa serye sa Game 3.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Finals Game 3 ngayong Disyembre 14, 2025 sa MOA Arena, Pasay.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...