SI JUANA AT HOWELL

Minsan mo na bang naisip kung sino ang perfect partner para sa’yo?

Pagdating sa love life, mahaba ang listahan—may standard, may checklist, at may list of dealbreakers pa!

Pero pagdating sa bansa… sino ba ang perfect pair para sa ating mga ordinaryong Pilipino? 2026 na, mamsir—kukurap lang tayo sandali, 2028 na… at ang wish? Sana hindi na korap!

Sa probinsya, ganyan din ang kadalasang topic: Sino ang bet mo? TDH (Tall, dark, and handsome), CMP (Chinitong Mayaman at Pogi), o SLF (Sakto Lang pero Funny).

Sabi nila, pagprobinsyana ka, lapitin ka raw ng mga foreigner—mas trip daw kasi nila yung simple, desente, masipag, at maalaga. Yung tipong may nag-aabot ng mainit na sabaw after sa mahabang araw ng pagtatrabaho mo, at may sasalubong na kape kapag magsisimula na ang araw mo. 

At para naman sa isang certified probinsyana, genes ang number one, kumbaga, mas mabuti kapag may lahing banyaga para may future beauty queen at model sa angkan. 

Pero ‘di naman lahat, dahil may dalagang Pilipinang susugal pa rin sa purong Pinoy, kasi natural na mapagmahal sa pamilya at may sense of responsibility, kahit minsan, “bahala saging basta labing” ang motto sa buhay. 

Parang ganyan na ganyan din ang vibe sa tanong na: SINO BA ANG PRESIDENTE MO SA 2028?

Napakasimple lang ng sagot ko: Ako si Juana, at ang gusto ko ay si Howell.

Ako si Juana, simpleng Pilipina lang na naniniwalang ang partner ay tapat, may values, mapagmahal, at puno ng respeto. Hindi sapat ang ganda ng mga salita; dapat may bigat din pagdating sa gawa. 

First-time voter din ako pagdating ng 2028—a Filipino who wants a change sa bansang paikot-ikot lang sa parehong sistema.

Kaya pag tinanong ulit: Bakit si Howell?

Kakasabi ko lang, ‘di ba? May paninindigan. Hindi puro satsat. 

Eh, ikaw? Juana ka rin, ‘di ba? Isa kang kolehiyalang Juana na nagnanais ng mas maayos na ekonomiya for better opportunities after graduation, at ready na sa life as a future employee. 

Lola mo, Juana rin. Retired nurse na araw-araw nakikita kung gaano kalayo pa ang bansa sa accessible healthcare. At ang isa mo pang lola, si Juana, ay umaasa sa tunay na pagpapatupad ng mga pangakong solusyon kontra krisis sa edukasyon.

Kaya ‘di na rin ako nagtaka kung bakit pati mga lolo niyo napatid sa pag-ibig kay Juana: Juana better governance na may aksyon pag nasa delubyo ang bansa. Juana genuine leader na may achievable vision for the future generation.

Eh nakausap ko rin ang mama mo, Juana rin pala sya? 

Juana safer environment para sa’yo, ayaw niyang may nasasaktan sa mga munting Juana niya– sina Juana be the best sa pangarap niyang maging at si Juana be a better citizen na may ambag sa lipunan.

At siyempre, nariyan din ang tatay mo—ang tunay na Juan. Hindi siya ang “Juan Tamad” na kilala ng mga bata sa katha. Siya ang ama na kahit maghapon nakayuko sa palayan o buong gabi nag-aantay ng mahuhuling isda sa ilalim ng buwan, gagawin pa rin para sa kanilang mahal sa buhay. Sa totoo lang, simple lang ang gusto ng every Juan: ang dabes para sa pamilya.

Kaya, huwag ka nang mahiya; si Juana ka rin… at sana piliin mo rin si Howell.

Howell does his duty at papahalagahan ang people’s money.

Howell loves his countrymen at hinding hindi nanakawan at tatakbuhan.

Howell is never absent pagdating sa diskusyon ng mga usapin sa bayan. Yung tipong alam na ang isasagot sa tanong kahit hindi pa naibabato, dahil ramdam niya ang bawat hinaing ng Pilipino.

Hindi lang puro monologo at pakitang-tao sa entablado. At hindi makapal ang mukha dahil tanyag ang apelyido.

Kaya at the end of the day: si Juana at Howell pa rin hanggang sa huli. 

Nasa kay Howell din naman kasi lahat: 

TDH (Tapat at ‘Di Hambong), 

CMP (Caring at May Prinsipyo), 

at SLF (may Solid Love for Filipinos).

At sila ang tunay at tanging perfect pair: Juana at Howell.

The one who wants a real change and the one who will make it possible.

At sa bawat Juana sa ating bayan, hindi lang si Juan ang nakatakda para sa kanila; may Howell ring nag-aantay at handang manilbihan at managutan. 

Sa 2028, hindi ka lang pipili ng pangalan—pipili ka rin ng bagong tahanan para sa panibagong anim na taon. Kung gusto mo ng bagong Pilipinas, huwag na sa mukhang hindi pa magaling ang sugat dahil sa kalmot ng batas. 

Piliin mo ang lider na magbabalik ng dangal at may makatotohanang solusyon sa oras na mahalal. Kaya pabasbasan na natin si Juana at Howell sapagkat sila ang may hawak ng kapalaran at pagbabagong nais nating maisakatuparan.

5 Votes: 5 Upvotes, 0 Downvotes (5 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...