69% ng pampublikong paaralan, wala pang titulo sa DepEd — EDCOM 2
Mahigit 32,000 pampublikong paaralan ang hindi pa nakapangalan sa Department of Education, isang legal na isyung may direktang epekto sa pagpapatayo ng mga silid-aralan at pagpapabuti ng imprastraktura ng edukasyon.















