Halos 300 delegado, inaresto ng PNP sa protestang kontra-Pax Silica, pagbisita ni Trump

Gianne Kahtlein Recilla

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang humigit-kumulang 300 indibidwal sa Lakbayan 2026 nitong Nobyembre 15 sa Barangay Sucat, Muntinlupa City, kasunod ng kanilang pagkilos laban sa mga polisiyang nagbabanta umano sa kabuhayan at karapatan ng mamamayan. 

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan Timog Katagalugan (BAYAN-TK), kabilang sa mga inaresto ang mga manggagawa, mamamahayag, mga katutubong Mangyan-Iraya mula sa Mindoro, environmental advocates, community organizers, at mga miyembro ng mga progresibong grupo tulad ng Kabataan Partylist – Cavite.

Ginanap ang protestang ito dahil sa pagbisita ni United States (U.S.) President Donald Trump sa bansa para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit nitong Nobyembre 17. 

Dagdag pa rito, nag-ugat din ang kilusang ito upang kondenahin ang inisyatibo ng U.S. na Pax Silica at ipaglaban ang karapatan ng mga katutubong Pilipino sa kanilang lupain. 

Batay sa ulat ng Southern Tagalog Exposure, nakasuot ng pansibilyan na damit ang dumakip sa ilang delegado sa kilos-protesta, kabilang sina Merwin Alinea, coordinator ng Kalikasan TK, at Noreen Flores ng Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) University of the Philippines – Los Baños (UPLB). 

Bukod pa rito, mahigit 40 mag-aaral din mula sa UPLB ang nahuli, kasama ang ilang mamamahayag-estudyante, habang tatlo naman sa University of Makati, na kinikilalang mga Student Council councilors.

Ayon kay Brig. Gen. Allan Rae Co, spokesman ng PNP, nahaharap ang mga inarestong protestante sa mga reklamong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880, alarm and scandal, at resistance and disobedience to persons in authority.

Samantala, batay naman sa ulat ng UPLB Perspective, nagpaabot ng liham ang ilan sa mga inaresto na naka-detine sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, para sa kanilang mga kapamilya, kaibigan, at kaklase upang manawagan sa kanilang agarang paglaya.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...