
Philip Gabriel Caysido
Ayon sa isang Facebook post, suportado umano ng aktor na si Coco Martin ang pagpapatupad ng death penalty dahil sa pagiging ‘mahinang pinuno’ umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at pagiging ‘tuta ng mga sindikato’ ng dating Bise Presidente Leni Robredo.
CLAIM
Inilahad ng post na suportado umano ng aktor na si Coco Martin ang pagpapatupad ng death penalty, at ramdam daw umano ng aktor ang pagiging ‘mahina’ umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pagiging ‘tuta ng mga sindikato’ ng dating Bise Presidente Leni Robredo.
Ito diumano ang buong pagsasalaysay:
”Coco Martin Suportado ang Death Penalty ramdam niya na kapag weak leader Gaya ni Marcos Leni magiging tuta lang ng Oligarkong kurap at Sindikato na mayayaman.”
RATING: MISLEADING
CONCLUSION
Bagaman nagpahayag ang aktor ng suporta sa death penalty bilang parusa sa mga mapapatunayang tiwaling opisyal, wala siyang opisyal na pahayag na iniuugnay ito sa pagiging “mahina” ni Marcos o sa pagtawag kay dating Robredo bilang “tuta” ng mga oligarko at sindikato.
THE FACTS:
THE BOTTOMLINE
Mapanlinlang ang Facebook post dahil iniuugnay ang mga pahayag ni Coco Martin ukol sa death penalty kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Bise Presidente Leni Robredo, na tinatawag silang “mahina” at “tuta” ng mga oligarko at sindikato, na maaaring mailigaw ang nakararami sa naturang konteksto ng pahayag.