
Mig Anishi Zamora
Isang Facebook post ang kumakalat na nagsasabing ipinaliwanag umano ni Batangas Rep. Gerville Luistro na hindi maaaring basta-basta imbestigahan ang confidential funds ng ibang opisyal dahil walang reklamong inihain laban sa kanila.
CLAIM:
Sinabi umano ni Luistro na hindi maaaring imbestigahan ang confidential funds ng ibang opisyal dahil walang reklamong nakahain laban sa kanila.
RATING: MISLEADING
CONCLUSION:
Totoong sinabi ni Luistro na hindi maaaring basta imbestigahan ng House prosecution ang mga opisyal na walang reklamong nakapaloob sa kanilang hinahawakang kaso. Gayunman, tumutukoy siya sa saklaw ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, hindi sa pangkalahatang pagbabawal sa pag-iimbestiga ng confidential funds ng ibang opisyal.
THE FACTS
THE BOTTOMLINE:
Totoo ang pahayag ni Luistro na hindi maaaring basta palawakin ng House prosecution ang impeachment case sa mga opisyal na walang reklamong nakahain sa naturang proceeding. Ngunit nagpapalito itong ipakahulugan na hindi maaaring imbestigahan ang confidential funds ng ibang opisyal, dahil ang sinabi niya ay partikular sa saklaw ng impeachment case ni Duterte. Ang ibang confidential funds ay maaari pa ring sumailalim sa audit o imbestigasyon ng mga awtorisadong institusyon.