20% student discount sa load, internet, isinusulong sa Senado

Isinusulong sa Senado ang 20% discount sa mobile load at internet services para sa mga estudyante upang maibsan ang dagdag na gastusin ng mga ito sa gitna ng lumalawak na paggamit ng online o digital learning.

Layunin ng panukalang Senate Bill No. 2275 o “Student Load Discount Act” na magbigay ng diskwento sa mobile prepaid load, mobile postpaid plans, at mobile internet packages para sa mga mag-aaral na Pilipino partikular sa mga nagmula sa indigent families na nahihirapang tustusan ang kinakailangang internet connection, lalo na ngayong sinususpinde  ang mga klase dahil sa masamang panahon.

Inihain ito ni Senador Erwin Tulfo na aniya ay kinakailangan upang hindi maging hadlang ang kakulangan sa kakayahang pinansyal ng mga pamilya sa pagkatuto ng mga estudyante.

“A student’s potential to learn should never be halted simply because they cannot afford mobile data or an internet connection. No student must be left offline when everyone else should be online,” aniya sa kaniyang pahayag.

Sa ilalim ng inihain na batas, 20% discount ang ipagkakaloob sa mga mag-aaral na kasalukuyang naka-enroll sa mga paaralang pang-elementarya, sekondarya, technical-vocational institutions, at higher education institutions, ngunit hindi kabilang ang mga kumukuha ng postgraduate studies.

Kung maipapasa ito, magagamit ang nasabing diskwento buong taon, kabilang ang weekends at holidays, upang matiyak ang tuloy-tuloy na akses ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at iba pang digital learning resources.

Obligado rin ang mga telecommunication companies na ipatupad ito sa lahat ng serbisyong sakop ng panukala, habang papatawan ng parusa ang sinumang hindi susunod sa itinakdang requirements.

Samantala, upang makuha ang 20% discount, ay kailangan lamang magpakita ang estudyante ng valid school ID o proof of enrollment, kasama ang birth certificate bilang patunay ng pagiging mamamayang Pilipino.

Sinabi pa ng Tulfo na dahil din ito sa pagbabago sa nakasanayang sistema ng pagsuspinde ng klase—mula sa dating walang klase tuwing may kalamidad, ngayon ay lumilipat na ang mga paaralan sa online modality upang matiyak ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

“We have to slash this added expense from students which too often prevents [them] from keeping up with their online classes. This is [also] our way to somehow level the playing field,” dagdag ng senador.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...