Naga City, inilunsad ang kauna-unahang LGU budget sa bansa

Explained PHExplained PHNews1 month ago

Photo courtesy of Discover Philippines

Romilen Santander

Bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan ng Lungsod ng Naga tungo sa open data at transparency, binuksan nito ang kauna-unahang People’s Budget Portal sa Pilipinas, isang online platform kung saan maaaring masubaybayan ng publiko ang aktwal na paggamit at pagbuo ng badyet ng lungsod.

Sa pangunguna ni Naga City Mayor Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo, opisyal na ipinakilala ang portal noong Hunyo 19 sa 10th Convergence of Luzon ICT Champions and Exhibitions (ClickConEx), na ginanap sa Naga, Camarines Sur.

“All codes, data schemes, and documentation will be publicly available, so that any LGU in this country can adapt, adopt, and build on what Naga has built,” pahayag ni Robredo sa kaniyang talumpati.

Bagaman may ibang mga lungsod nang nagsasapubliko ng kanilang budget files—gaya ng mga PDF report alinsunod sa DILG MC No. 2010-83 o Full Disclosure Policy ng Department of the Interior and Local Government (DILG)—naiiba ang antas ng transparency na inihahandog ng Naga dahil sa mas bukas at participatory na sistema nito.

Kabilang sa mga pangunahing tampok ng portal ang pampublikong pagsusuri sa inaprubahang Annual Investment Program (AIP) data, kung saan makikita ang mga programa, proyekto, pondong nakalaan, at budget ceilings.

Bukod dito, interactive din ang nasabing online platform dahil posible rin ang direktang pagpapadala ng suhestiyon mula sa mga ordinaryong mamamayan at sa Naga City People’s Council (NCPC) ukol sa mga panukalang budget.

Inaasahang sa pamamagitan ng makabagong portal na ito, mas lalakas ang tiwala ng mamamayan sa pamamahala, at magsisilbi itong modelo para sa ibang lokal na pamahalaan sa bansa sa pagsulong ng tapat at digital na pamumuno.

3 Votes: 3 Upvotes, 0 Downvotes (3 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...