MISLEADING: Baterbonia, Adili, kumpirmadong hazing ang cause of death

Espencer Mark Estiandan

CLAIM:

Isang Facebook post ang lumitaw online na nagsasabing napatunayan na ang ikinamatay nina Baterbonia at Adili ay hazing bago itinapon sa dagat, batay umano sa forensic expert na si Dr. Rene Cam.

RATING: MISLEADING

CONCLUSION:

Sa ngayon, hindi pa rin kumpirmado ang tunay na sanhi ng pagkamatay nina Baterbonia at Adili.

Asphyxia (lack of oxygen) resulting in death pa lamang ang kumpirmadong datos tungkol sa ugat ng kanilang pagkamatay.

Nananatili pa ring confidential ang resulta ng kanilang autopsy. Kaya hindi makatotohanan ang mga posts na nagsasabi ng kanila unanong “tunay na sinapit‚” partikular na ang hazing at pagtatamo nina ng iba’t ibang malulubhang sugat 

Bagaman ayon sa naturang post, napatunayan na umano ito ng isang forensic expert na si Dr. Rene Cam. Batay naman sa malawakang ulat ng iba’t ibang news outlets tulad ng ABS-CBN at GMA, walang kaugnay na artikulong nadawit si Dr. Rene Cam ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Visayas Regional Office na tungkol sa insidenteng ito.

Sa halip, walang ebidensiyang siya ay tunay na sangkot dito; maaaring ginamit lamang ng mga netizens ang lehitimong pangalan ng ekspertong ito upang maging kapani-paniwala ang ilang mga misleading information.

THE FACTS:

June 8-9, 2026

  • Nangyari ang insidente ng pagkalunod nina Chukwuemeka Divine Adili at Rene Clert Noja Baterbonia, basketball players ng Ateneo Blue Eagles ng Ateneo de Manila University (ADMU), bandang 2:40pm, sa Dipaculao, Aurora.
  • Matapos nilang tangayin sa malalim na bahagi ng dagat, saka naman sila natunton ng mga rescuer nang wala nang malay. 
  • Pagdating ng mga rescuer, dala sina Adili at Baterbonia sa ospital, sa kasamaang palad, nakumpirma na silang dead on arrival.
  • Nag-notify naman ang kapulisan patungkol sa insidente, at nagtala ng initial reports. Batay rito, “initially classified as accidental drowning” pa lamang ang kanilang ikinamatay.

June 10-11, 2026

  • Mag-iimbestiga na ang Department of Justice (DOJ) patungkol sa tunay na nangyari. Habang tinukoy na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga persons of interest, pati ang mga subpoena sa mahigit 20 indibidwal.
  • Nakumpirma rin ng mga awtoridad na ang tunay na sanhi ng pagkalunod ng dalawa ay asphyxia. Samantalang lumipana naman online ang mga tanong kung posibleng may “foul play” o hazing bang nangyari—ngunit hindi ito kumpirmado.

June 11-14, 2026

  • Nagpatawag na ang Senate at House ng hearings at imbestigasyon.
  • Sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation (NBI), natukoy nilang walang intentional harm na nangyari noong mga panahong iyon. Ngunit susubukan pa rin nilang alamin ang tungkol sa posibleng kapabayaan ng mga coaches at staff ng ADMU, pati ng ilang kasamahan nito, at foul play.

June 15, 2026

  • Nakipag-ugnayan na ang Ateneo sa kani-kanilang mga pamilya. Ngunit patuloy pa ring binatikos dahil sa kanilang “lack of transparency” tungkol sa kaso.
  • Nanawagan naman ng lubos na hustisya ang kanilang mga pamilya at tagahanga, lalo na’t marami pa ring bahagi ng kaso ang malabo.
  • Kumalas naman sa puwesto ang mga coaches and staff ng ADMU, kasama rito si Thomas Anthony “Tab” Baldwin, Head Coach ng Ateneo Blue Eagles, na humarap sa matinding kritisismo.

Ongoing, June 16, 2026 – Today

  • Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga ahensiya ang tunay na nangyari, lalo na ang posibleng hazing. 
  • Iminungkahi pa lamang ng PNP CIDG ang pagsasampa ng kaso laban sa resigned coach ng naturang koponan na si Tab Baldwin, pati sa 10 pang iba sa paglabag ng Republic Act No. 11053, o ang Anti-Hazing Act.
  • Nag-ulat ang Interior Secretary Jonvic Remulla; alam umano ni Tab Baldwin na lima sa kanyang mga manlalaro ay hindi marunong lumangoy habang isinasagawa ang kanilang aktibidad doon sa Aurora. 

THE BOTTOM LINE:

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga naturang ahensiya ng pamahalaan ang kaso ng dalawang basketbolista, nang sa gayon ay maihatid ang hustisya sa dalawang biktima, at sa kanilang pamilya.

Bagaman maraming naghihinalang mayroong nangyaring hazing sa insidente, hindi pa rin nakukumpirma kung totoo ba ito o hindi. Ginugulong pa rin ang proseso ng pagsusuri sa kasalukuyan.

2 Votes: 2 Upvotes, 0 Downvotes (2 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...