
Sa ilang komunidad ng rehiyon ng Caraga, hindi nila tinitignan bilang mineral na makakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ang nickel. Para sa kanila, ang makintab na mineral na ito ay pawang mapanlinlang at nakasisira ng kanilang karagatan at lupain.
Ang nickel ay isang matigas at malapilak na puting bakal na hindi agad nangangalawang. Ginagamit ang nickel sa mga bagay tulad ng:
Hindi mapagkakait na maraming nickel sa bansa. Karaniwan pa ngang nakikilala ang Pilipinas na laging nasa Top 2 hanggang Top 5 na pangunahing prodyuser ng nickel sa buong mundo. Mayroon ding tumataginting na 170 Bilyong Dolyar ang bansa sa nickel deposits, na maaaring maging salamin ng malakas na epekto nito sa ekonomiya ng ating bansa. At ang taglay nating nickel na ito ay napakahalaga, hindi lamang para sa bansa ngunit para din sa buong mundo.
Ngunit bakit kilalang-kilala ang Pilipinas sa larangan ng nickel?
Nakakasilaw na dami ng nickel
Ang Pilipinas ay nasa loob ng Pacific Ring of Fire, at dahil dito, naaapektuhan ng heograpikal na lokasyon ng bansa ang pormasyon ng mga mineral dito. Dulot din ng tropikal na klima sa bansa, nabubuo nito ang pag-agnas ng mga ultramafic o mga batong nanggagaling sa ilalim ng balat ng lupa. Dahil sa dalawang ito, nakabubuo ng mga nickel laterite na namimina gamit ang open-pit method.
Dahil sa higit pa sa sapat na mineral na nickel sa Pilipinas, nagiging target ng exploitation ang bansa mula sa mga makapangyarihan na bansa. Pilit na kumukuha ng Nickel ang mga dayuhan sa ating bayan. Top 2 pa nga lagi ang Pinas sa pagpo-prodyus ng mga mineral na ito para sa mundo, At dito pumapasok ang tanong kung bakit nga ba kailangan ang nickel.
Ang nickel ay maaaring gamitin sa transisyon ng mundo sa renewable energy, dahil kapag mayroong nickel ang mga components ng mga electronics, mas mataas ang energy density at mas kaunti ang pangangailangan para sa pagcha-charge. Sa likod ng kintab na dala ng nickel sa mga isipan ng mga tao, ano naman ang negatibong dala nito sa mga komunidad sa bansa?
Ang dilim sa likod ng kintab ng nickel
Sa Pilipinas, iilan lang ang Dinagat Islands, Palawan, at Surigao Del Sur sa mga lalawigan na may nickel mines mula sa 36 na aktibo sa bansa. At habang nakatutulong ang nickel sa munting pag-unlad ng bansa, ang mga komunidad sa mga lalawigan na ito ay unti-unti nang nalulunod sa epekto ng pagmimina dito.
Ito ang katotohanang inilalarawan sa ulat na Broken Promises ng Climate Rights International. Ibinahagi ng mangingisdang si Crisologo Anino, isa sa mga residenteng naninirahan malapit sa mga minahan ng nickel sa Caraga Region, ang naging pagbabago sa kanilang kabuhayan:
“The seas are now more dangerous and rougher than before… We could compensate for rough weather because we could just fish nearby. Mining impacts us hard because we have to go farther out because of the pollution. It’s much harder now.”
Ang hamon ng nickel mining sa mga komunidad na ito ay hindi lamang tulad ng bagyo na madaling lumipas o ng baha na mabilis humupa. Dito, nasisira ang mga yamang tubig at hanapbuhay ng mga tao, isang bagay na matagal ayusin.
Kapag hindi na makapangisda sa malapit sa pampang ang mga mangingisda tulad ni Crisologo ay kinakailangan na lumayo sila sa mas malayong bahagi ng dagat. Dahil dito:
“Our land is being taken and shipped to other countries—that’s how they’re making money.” Iyan na lamang ang sambit ni Alberta Arnego Cuartero na mula sa Madrid, Surigao Del Sur. Para kay Alberta at iba pang mamamayan ng mga komunidad na apektado, wala silang kalaban-laban sa usaping ito. Wala silang magagawa habang sapilitang pinapaslang ang kalupaing sa kanila at walang habas na ginagatasan ang mga yaman dito, para lamang pagkakitaan ang lupang sinukuan. Wala silang magagawa kundi panoorin na lang na nabubungkal ang kanilang lupa at lumalabo na ang kanilang katubigan.
Nagdudulot din ng sedimentation ang pagmimina dito. Kung saan, umaagos ang putik papunta sa dagat na hindi lamang nagpapalabo sa tubig, pinapatay din nito ang mga yamang tubig tulad ng mga koral. Kapag patuloy pa ring mangyayari ang mga epektong ito, magkakaroon ng food insecurity sa komunidad. Ito ay dulot ng hindi na nga nakakapangisda nang maayos ang mga lambat ng mga mangingisda, kung may mahuli ma’y patay na dahil sa nangyayari sa katubigan. At wala naman nang iba pang solusyon sa problemang ito dahil pangingisda ang kanilang pangunahing hanapbuhay. Sa isda sila namumuhay, ngunit ngayo’y pati ang mga isdang ito ay namamatay na, kasabay ng pagkamatay ng kanilang hanapbuhay.
“When there is no fish, we come to Cantilan without money to see if someone would loan us rice. The debts are piling. My kids complain because we’re eating breadfruit every day. My children are crying because they’re hungry.” Ani Ryan Savitisas, isang 40-anyos na mangingisda mula sa Ayoki Island. Ang pangungutang na ginagawa nila Ryan ay hindi naman dapat nangyayari kung hindi lang nakakapatay ng dagat ang kintab ng nickel. Dagdag pa dito, hindi lang nalilimita sa pagkasira ng katubigan ang epekto ng pagmiminang ito, may nasisilaw rin na mga komunidad sa kintab ng nickel.
Sa likod ng lahat ng ito, direkta namang naaapektuhan ang mga Mamanwa sa usaping lupa. Nawawala na ang lupang ninuno nila at likas na yaman dito. Na sana, imbis na nasasayang lang dahil sa pagmimina ng mga nickel, ay napapakinabangan ng mga mamanwa at hindi napupunta sa wala.
Ang madilim na katotohanan
Sa pagharap ng mga komunidad sa mga negatibong epekto ng pagmimina, kahit sino ay mapapatanong kung hindi ba maayos ang plano para sa pagmimina? Ang kasagutan diyan ay hindi. Ayon sa mga ulat, hindi sapat ang mga konsultasyon ng mga kumpanya sa likod ng mga pagmiminang ito sa mga miyembro ng komunidad na apektado. Hindi rin maayos na isinaisip ang magiging resulta nito sa kalusugan at kabuhayan ng mga tao.
Ani Romeo Melnocan, isang miyembro ng komunidad sa Brooke’s Point,“…the map they showed was very blurry. We can’t make a decision based on the information that was presented as we didn’t understand the impact.” Dagdag pa rito, hindi raw ipinatawag sa pagpupulong ang mga miyembro ng kanilang komunidad na hindi sumasangayon sa pagmimina sa kanilang lugar. Ang kakulangan sa sapat na konsultasyon sa masa ay isang salamin lang kung gaano kawalang-pakialam ang mga namumuno sa mga pagmiminang ito sa kaligtasan, kalusugan, at kabuhayan ng mga tao na maaapektuhan ng kanilang mga operasyon.
Dagdag pa rito, ang mga minahan sa Mindanao ay hindi pinaplano nang maayos at depende sa batas. Ayon sa ulat ni Bong S. Sarmiento, may mga pagkakataon na lumalapit ang mga epekto ng pagmiminang ito sa Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary, isang UNESCO World Heritage site at ASEAN Heritage Park sa probinsya ng Davao Oriental.
Ani Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang sa ulat, “Money will not last forever, unlike our irreplaceable Mother Earth.” isang maikli ngunit malakas na pangungusap. Dito, pinapahalagahan ni Dayanghirang na ang pera na maaaring makuha sa pagmimina ng Nickel ay hindi magtatagal panghabambuhay, kabaliktaran ng mundo na magtatagal kung inaalagaan. Tama nga naman, wala nang silbi ang pera mula sa pagmimina kung ang mga taong pagsisilbihan sana ng mga likas na yaman na ito ay wala nang mga kabuhayan at tuluyan nang nakalbo ang mga kagubatan at kabundukan. DIto, wala nang silbi ang salapi.
Ito ay salamin ng marahas na paraan ng pagmimina ng nickel, na minsa’y wala na silang pake sa tao, basta may pera.
Ang hamon sa kinabukasan
Ang nickel ay isang mineral na napakahalaga sa pag-unlad ng ating bansa. Ngunit sana ang paraan ng pagmimina dito ay makamasa, hindi lang para sa pera. Dahil sa rahas ng mga paraan ng kanilang pagmimina nagsisimula ang mga sunod-sunod na problema ng mga tao sa mga komunidad na wala namang kinalaman sa mga minahan.
Kung ganoon nga kalaki ang kita mula sa nickel, kailangan bang isakripisyo ang kabuhayan ng mga komunidad para lang sa simpleng pera?