Badyet ay pataasin, NPU Bill ay sunugin

#CartoonOnPoint by John Denver Dugan

Hindi maipagkakaila na ang bawat estudyante sa loob ng pamantasan ay ipinaglalaban ang bawat karapatan na dapat natatamasa ng bawat mag-aaral sa loob ng unibersidad. At hindi rin maipagkakaila ang katapangan na kanilang ipinapakita sa masa ay walang katulad, sapagkat hindi nila pinapansin at pinatulan ang bawat salitang natatanggap nila mula sa kapwa estudyante. Ngunit, sa loob ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) patuloy pa ring ipinaglalaban ng ilang estudyante at organisasyon ang isang batas na matagal ng ibinasura ng palasyo at ng senado.

Noong 2025 lamang, muntikan nang isabatas ang National Polytechnic University (NPU) Bill sa Pilipinas upang gawing national university ang PUP para lamang pantayan ang estado na mayroon sa mga malalaking unibersidad tulad ng UP, UST, Ateneo, at De La Salle. Ito ay veneto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa mababang Level II rating ng PUP sa 2016 State University and College (SUC) exercise kumpara sa ibang pamantasan na nakakuha ng Level III at IV.

Sa kabila ng pagbabasura ng Malacañang sa NPU Bill, patuloy pa ring nakikibaka ang iilang organisasyon sa loob ng pamantasan tulad ng SAMASA PUP, Sentral Konseho ng Mag-aaral (SKM), iilang pahayagan, at mga aktibista, sapagkat sa kanilang perspektibo, ang pagsasabasura ng NPU Bill ay hindi nangangahulugang ligtas na ang aming pamantasan sa kamay ng pribatisasyon at komersyalisasyon.

Isa sa tinututulan ng mga organisasyon at estudyante ng pamantasan ay ang mga probisyon ng NPU Bill na nagpapahintulot ng pagpapapasok ng pribitisasyon  ng mga non-academic services tulad ng health, foods, at maintenance sa loob ng kampus. Ang  pakikipag-partner sa mga pribadong korporasyon ng pamantasan ang isa rin sa pangamba ng mga estudyante, sapagkat maaaring tumaas ang presyo ng bawat bilihin at serbisyo sa loob ng pamantasan.

Mula sa inilabas na artikulo ng PUP sa kanilang website, nakatala roon ang kapakinabangan ng NPU Bill tulad ng pagsasaayos ng kurikulum, pagiging malaya ng unibersidad sa paghahawak ng badyet para sa mga estudyante, kawani, at sa mga pasilidad. Isinasaad rin sa artikulo na magkakaroon ng ₱100 milyong badyet ang pamantasan, mapapalakas ang  teknolohiya, academic freedom, at ang pananaliksik. 

Ang pag-veto ng presidente sa batas ay nangangahulugang lamang na ito ay ipinalagbas ng ehekutibo mula sa kasalukuyang anyo ng batas na ito, ngunit maaari pa rin itong ihain ng pamantasan sa kongreso sa pamamagitan lamang ng pagpapalit ng anyo nito. Kahit na naibasura na ito, hindi titigil ang pamantasan na ipilit ipasa ang NPU Bill para lamang magkaroon ng malaking halaga ng badyet kapalit ng kabuhayan na mayroon sa pamantasan.

Sa kabilang banda naman, mula sa perspektibo ng pamantasan, ang pagpapasabatas ng NPU Bill isang malaking tulong na para sa kanila na madagdagan ang badyet na naka-allocate sa kanila sapagkat ito ay isang usapin ng survival at pag-unlad ng pamantasan para sa higit 90,000 na mag-aaral nito sa buong bansa. Para sa kanila, makakatulong ito upang madagdagan ng kapangyarihan ang Board of Regents upang hawakan ang badyet ng pamantasan, ngunit ang totoo nais lamang nilang pagpukosan ang mga science-related na programa kaysa sa ibang programang talagang may pakinabang sa ating lipunan. 

Aminin man natin o hindi, maganda ang hangarin ng batas na ito sapagkat madagdag na ang badyet na nakalaan para sa pamantasan. Isa sa problemang kinakaharap ng aming pamantasan ay ang kakulangan ng slots ng bawat programa ng pamantasan, sapagkat limitado pa rin ang oportunidad sa loob ng pamantasan kaya maraming estudyante ang nalulungkot, sapagkat bawat taon na lamang maraming estudyante ang nalulungkot sapagkat ang PUP lamang ang unibersidad na kanilang inapply-an. Isa rin sa problemang kinakaharap ng pamantasan ay ang mga lumang pasilidad, kagamitan, silid-aralan, at digital systems na mayroon ang unibersidad, kaya nanghihinayang ang pamantasan sa ₱100 milyong badyet kada buwan na matatanggap nila sa loob ng limang taon. 

Kahit ilang beses ng naisasabasura ang NPU Bill, patuloy pa rin itong ipinaglalaban ng pamantasan, sapagkat para sa kanila ito lamang ang sagot sa problemang kinakaharap ng aming pamantasan—ang mababang badyet na nakalaan para sa eskwelahan. Hindi na bago para sa akin ang ganitong dahilan, sapagkat narinig ko na ito sa iba’t ibang tao mula sa pamantasan, ayon sa kanila ang NPU Bill ang sagot upang umahon ang pamantasan sa kahirapan, ang NPU Bill ang sagot upang magkaroon ng maayos na sistema ang pamantasan, at ang NPU Bill ang sagot upang higitan ang mga kilalang unibersidad sa Pilipinas tulad ng University of the Philippines (UP).

Isang nakakabahalang kabalintunaan na ang PUP—isang institusyon na naglilingkod sa isang malaking populasyon ng mahigit 106,500 estudyante sa buong sistema nito—ay patuloy na nasa kawalan sa mga prayoridad ng estado sa pondo, kung saan ang Department of Budget and Management (DBM) ay pinutol ang alokasyon nito para sa Fiscal Year 2027 sa isang napakaliit na ₱3.5 bilyon.  

Ang pagpitik sa mahalagang unibersidad na ito ng isang badyet na ₱300 milyon na mas mababa kaysa sa nakaraang taon at isang nakakagimbal na ₱12.2 bilyon na kulang sa makatotohanang ₱15.7 bilyon na pangangailangan nito ay hindi lamang isang kakulangan sa pondo; ito ay isang hayagang pagwawalang-bahala sa mga kabataang mula sa uring manggagawa. Habang milyon-milyong piso ang ginagastos sa mga kahina-hinala o hindi gaanong mahalagang proyekto ng estado, ang mga itinuturing na Iskolar ng Bayan ay napipilitang tiisin ang masisikip na silid-aralan, mga naantalang pagpapabuti ng pasilidad, at kulang na kulang na mga mapagkukunang pang-akademiko.  

Ang pagwawalang-bahala sa PUP ay nangangahulugang pagwawalang-bahala sa kinabukasan ng sampu-sampung libong Pilipino na umaasa sa abot-kayang edukasyon bilang kanilang pangunahing pantay-pantay, na nagpapakita na ang retorika ng gobyerno tungkol sa pagpapahalaga sa mga serbisyong panlipunan ay walang laman kapag ang mga pangunahing unibersidad ng estado ay pinababayaan na lamang na magmakaawa para sa mga tira-tira.

Para sa aming mga estudyanteng pilit na tinitiis ang hirap, init, at bulok na sistema mayroon ang PUP, ang NPU Bill ay hindi sagot upang magkaroon kami ng badyet sapagkat maraming manggagawang Pilipino sa loob ng pamantasan ang maapektuhan lalo na at makakapasok na ang pribatisasyon at komersyalisasyon sa loob. At dahil doon, maaaring mawalan ng trabaho ang mga nagtitinda sa loob ng pamantasan na ang tanging ikinabubuhay lamang ay magtrabaho sa pamantasan. 

Ngunit kahit na maganda ang ipinapakita nito ay hindi pa rin maaalis na maaaring mapalayas o matanggal sa serbisyo ang iilang mangagawa sa pamantasan. Hindi kahit na anong batas ang dapat na maipasa para lamang makatanggap ang aming pamantasan ng malaking badyet mula sa gobyerno. Ang nais ng bawat estudyante na katulad ko ay sapat na badyet na nakalaan sa aming unibersidad, dahil maraming estudyante na ang nahihirapan dahil sa init at liit ng silid-aralan. 

Higit kailanman, hindi kailangan ng isang pamantasan ng isang batas na ang tanging layunin lamang ay iangat ang eskwelahan kaysa ayusin ang pamamahala. Hangga’t nagiging bulag ang mga namumuno sa pamantasan at mga dating estudyante na tinatangkilik ang isang huwad na solusyon, hindi makakawala sa tanikala ng kahirapan ang pamantasan minsan kong pinangarap. 

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...