FALSE: “Mama,” huling sigaw ni Rene Baterbonia

Neil Clarence Lagat

Isang video na kumakalat sa Facebook ang nagpapakita ng mga alon sa dagat at larawan ng yumaong Ateneo basketball player na si Rene Clert “Bobet” Baterbonia. May teksto itong “Ang huling sigaw ni Rene Baterbonia ng nalunod sila,” habang maririnig ang isang boses na sumisigaw ng “Mama.”

CLAIM:

“Mama” ang huling sigaw ni Rene bago siya malunod.

RATING:

FALSE

CONCLUSION:

Walang mapagkakatiwalaang source na nagpapatunay na kay Rene ang boses sa video. Hindi rin iniulat ng pamilya, mga awtoridad, o mga saksi kung ano ang kaniyang huling sinabi.

THE FACTS:

  • Namatay si Rene noong Hunyo 8, 2026 matapos malunod kasama ang kaniyang teammate na si Divine Adili sa Dipaculao, Aurora.
  • Ayon sa kaniyang kapatid na si Rhenz, huli silang nag-usap noong Hunyo 3 bago umalis si Rene patungong Maynila.
  • Walang ipinakitang source ang viral post na nagpapatunay na ang “Mama” audio ay aktuwal na recording mula sa insidente.

BOTTOMLINE:

Hindi napatunayang si Rene ang sumigaw ng “Mama.” Ang audio ay walang beripikadong kaugnayan sa kaniyang pagkamatay.

2 Votes: 2 Upvotes, 0 Downvotes (2 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...