
Tatsulok ang kapangyarihan, lalo na sa pulitika. At kung naka-angat na si Vice President (VP) Sara Duterte, nasa laylayan naman ngayon ang hustisya. Sa lumipas na 23 na araw ng kanyang impeachment trial, mapapatanong ang ordinaryong Pilipino: nasaan na ba tayo sa pagkamit ng pananagutan?
Simula’t sapul noong magtipon ang Senado bilang impeachment court noong July 6, 2026, mismong si Duterte ay hindi dumalo. Ang katwiran ng defense ay dahil ang pasanin ng pagpapatunay ng Articles of Impeachment ay nasa prosekusyon, hindi sa bise. Gayunpaman, patuloy niyang kinakaharap ang apat na Articles of Impeachment:
Salita lang ba o banta na?
Sa apat na artikulo, inuna ang Article IV na naka-ikot sa grave threats dahil less complicated ito kumpara sa iba. Pinatawag ang dalawang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) bilang testigo at nauna si John Mark Calilung.
Bilang parte ng cybercrime division, inimbestigan ni Calilung ang mga pahayag ni VP Duterte noong November 23, 2024 na umano’y pagkausap ni VP sa isang tao na maaaring pumatay kina President Marcos Jr., First Lady, at Romualdez kung mauna siyang mamamatay. At noong November 26, 2024, kinumpirma pa ni VP Duterte na may magsasagawa na ng kanyang assassination attempt.
Pinakita rin ang isa pang bidyo ng online press conference noong October 18, 2024 kung saan na-imagine daw ni VP Duterte ang pagputol niya sa ulo ni President Marcos Jr. Inungkat din ni Calilung ang isa pang pagbabanta ng bise na paghukay sa bangkay ng tatay ni Sen. Imee Marcos at pagtapon nito sa West Philippine Sea kung hindi titigil sa pag-atake sa kanya.
Mas mabigat man ang dating ng ganitong salita kapag mula mismo sa isang mataas na opsiyal ng gobyerno, hindi basta-basta na may hatol agad sa bise dahil lang sa testimonya ni Calilung.
Ang ikalawang testigo naman para sa Article IV ay si NBI-BARMM Regional Director Jeremy Lotoc na namuno sa cybercrime division ng NBI noong 2024. Sa pagsusuri ni Lotoc sa bidyo noong November 23, 2024, mayroong intent, motive, and capability ang bise na isagawa ang kanyang pagbabanta.
Napag-alaman din ng NBI na ang mga banta ni VP Duterte ay seryoso at totoo, at ang mga testimonya ni Lotoc ay layuning patunayan na kumontrata ang bise ng tao para patayin ang Pangulo, Unang Ginang, at dating House Speaker.
Kung kaya’t hindi lamang ang sinabi ang naging usapin, kundi kung may bigat ba ito nang ito ay binitawan. At bilang may nahanap na intent, motive, at capability ang NBI sa mga pahayag ni VP Duterte, may sapat na batayan ito upang seryosohin.
Nautusan lang po
Sa ika-10 na araw ng paglilitis sa bise, tinalakay ang Article I na umiikot sa umano’y maling paggamit ng P612.5 million na confidential funds ng bise sa OVP at DepEd. Tumestigo rito sina former LandBank Shaw Boulevard branch Manager Violeta Constantino at Former LandBank DepEd branch Manager Nenita Camposano.
Pareho rin sina Constantino at Camposano na tinawag na unusual ang pag-withdraw ng apat na P125 milyon na tseke at P37.5 milyon na confidential fund ng DepEd dahil sa laki nito. Sa tipikal na transaksyon, P10 milyon lang ang lumalabas sa ilalim ng branch ni Camposano kaya kapansin-pansin ang paglobo bigla ng request na P125 milyon. Gayunpaman, wala naman daw kahina-hinala at iligal sa transakyon na ito.
Sa pagtestigo naman ni Gina Acosta, dating OVP Special Disbursing Officer (SDO), minarkahan siya bilang hostile witness o kumikiling sa panig na tumawag sa kanya. Si Acosta ang nag-encash ng P125 milyon sa loob ng duffel bag dahil inutusan siya ni VP Duterte na ipasa ang pera kay Col. Raymund Dante Lachica. At sa testimonya ni Acosta, malinaw ang pinagmulan ng utos: kay VP Duterte.
For the first time
Sa testimonya naman ng dating COA Intelligence and Confidential Funds Audit Office auditor Roderick Wamil, si VP Duterte lang daw ang nag-iisang VP at pinuno ng DepEd na tumanggap ng confidential funds sa buong termino ni Wamil.
Maliban dito, unang beses din ni Wamil makakita ng liquidation ng confidential funds na naka-base lang sa Acknowledgment Receipts (ARs) imbes na mga resibo. Sa tipikal na eksena, kung bumili ka sa isang tindahan, dapat may dokumento galing sa kanila na nagpapatunay na binili mo ang produkto.
At dahil ang ARs ay nagpapatunay lang na naka-receive ang isang tao ng pera o bagay, naiiwan ang tanong: may aktuwal na transakyon bang naganap? Kung meron, saan ba talaga napunta ang pera?
Kasabay ng ARs, tumestigo si COA Intelligence and Confidential Funds Audit Office supervising auditor Xylene Mae del Campo sa ilalim ng parehong artikulo. At sa pahayag ni del Campo, ang confidential funds ay nakalaan sa mga aktibidad na ipinagbabawal tulad ng:
Sa ilalim ng Joint Circular No. 2015-01, hindi saklaw ang nasabing paglalaanan. Kaya ang isyu ay hindi lang kung saan napunta ang pera, kundi kung bakit ginamit ito sa mga gawaing hindi naman saklaw ng pondong pinagkunan.
Patay na, tumanggap pa
Ngunit higit pa sa ARs ay ang mismong mga nakatanggap nito. Sa katunayan, 37 na katao na umano’y nakakuha sa confidential funds ay patay na. Ayon kay Philippine Statistics Authority’s (PSA) Assistant National Statistician Marizza Grande, ang ibang mga pangalan ay nahanapan ng mga death certificate.
Kung kuwestiyonable na ang dokumentasyon, mas lalong bumigat ang alegasyon nang lumitaw na patay na ang umano’y 37 recipients. Dagdag na rin dito ang isang sanggol na namatay noong 1965 na nakatanggap pa rin umano ng confidential funds.
Kasabay ng mga pumanaw na ay ang mga nakatanggap naman na may kakaibang pangalan na konektado sa pagkain at iba pa. Lumabas sina:
Hindi naman tahasang ipininagbabawal ang paggamit ng alyas. Ngunit kailangan pa ring mapatunayan ng defense kung lehitimo ba ang mga transaksiyong kanilang kinatawan. At sa unang paglabas ng death certificate ng isang sanggol noong 1965 at 37 na umano’y recipients, bigla ngang ‘Andy Lim’ ng katotohanan.
Alam daw ni Duterte
Sa pangalawang hostile witness, iginiit ni OVP assistant chief of staff Lemuel Ortonio na alam at pinahintulutan ni VP Duterte lahat ng paggamit ng confidential funds mula sa kanyang opisina. Hindi lamang ito simpleng pahayag, lalo na’t nagmula ito sa empleyado mismo ni Duterte. Ang testimonya ni Ortonio ay mapapatunayan na ang bise nga ang approving authority ng confidential funds.
Sa pagsusuri naman ng P112.5 milyon na confidential funds na nagastos noong education secretary ang bise, tumestigo ang dating DepEd chief of staff Michael Poa. Inamin ni Poa, na ngayon ay parte rin ng defense team ni VP Duterte, na puwede siyang humarap sa personal liability kung mahatulan na guilty ang bise. Gayunpaman, iginiit niyang wala siyang personal na kaalaman kung paano ginastos ang pera kahit na dati siyang chief of staff.
Bibitawan at bagong bilang
Minamata ng prosekusyon ngayon ang pagdiretso sa Article II (unexplained wealth) at pagbitaw sa Article III (bribery sa mga DepEd procurement officials) para mapabilis ang paglilitis. Wala pa man ding desisyon, hindi na ito bago, lalo na’t noong impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona na nag-withdraw ng 5 Articles of Impeachment at nilitis na lamang ang 3.
Pinaplano rin ng ibang senator-judges ang pagtalakay sa 16-vote na kinakailangan para mahatulan o mapawalang-sala ang bise. Sa normal na impeachment court, 16 sa 24 na senador ang kailangan, pero dahil wala ang mga sumusunod:
Hindi pa tiyak kung 16 na boto pa rin ang magiging susi sa hatol para kay VP Duterte.
Sa dulo ng tatsulok
Sa tatsulok ng kapangyarihan, pera, at pananagutan, marami nang lumitaw na iregularidad at kuwento. Sa gitna nito, hindi lang ang bise ang sinusubok, kundi pati na rin ang proseso ng hustisya at tiwala sa mga tagapaglitis.
Habang papalapit ang paglilitis sa hatol at pinagdedesisyunan ang mga ebidensya, nananatiling nakabitin pa rin ang pananagutan.