Hanggang saan aabot ang objection mo?

Kung ang unang araw ay puno ng kontrobersiya, ang ikalawang araw naman ay puno ng objection mula sa defense team ng Bise.

Sa apat na articles of impeachment na nakahain laban kay Bise Presidente Sara Duterte, ang unang susuriin ay ang Article IV, o ang Culpable violation of the Constitution, high crimes, and betrayal of public trust. Isa sa mga dahilan kung bakit ito ang nauna bago ang ibang artikulo ay dahil less complicated ito kung ikukumpara sa ibang articles of impeachment. 

“Sa tingin namin, dahil ang factual issues dito ay less complicated compared to the other financially related articles of impeachment, mas madali ito,” ani Benjamin Tolosa Jr., isa sa mga private prosecutors ng impeachment trial

At sa dakong ito, ang tumayong kinatawan ng defense team ay si Atty. Carlo Joaquin Narvasa, habang si Atty. Amando Virgil Ligutan naman ng prosecution ang humarap sa kabilang panig — at sa oras na nagsimula ang ikalawang araw ng pagdinig, sunod-sunod na rin ang pagkukuwestiyon, sunod-sunod na rin ang batuhan ng objection.

Hindi pa tapos, may objection na?

Hindi nag-aksaya ng oras ang impeachment court at ipinag-utos ni Sen. Francis Escudero ang pagpapatawag sa dalawang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI). Mula sa dalawang testigo mula sa ahensya, nauna si John Mark Calilung.

Si Calilung ay parte na ng NBI simula noong 2021 at napunta sa Cybercrime Division noong 2024. Sumailalim siya sa dalawang linggong pagsasanay nang naging parte siya ng Digital Forensics Laboratory Division, kung saan ang kaniyang tungkulin ay mag-identify, mag-preserve, mag-collect, mag-analyze, at mag-present ng digital evidence sa korte. Si Calilung din ay humarap na sa korte nang hindi bababa sa 30 beses.

Bilang parte ng Cybercrime Division, inimbestigahan nila ang iba’t ibang pahayag mula sa Bise tulad ng sinabi niya noong Nobyembre 23, 2024. Tinanong ni Prosecutor Ligutan ang testigo na si Culilang tungkol sa sinabi ng Bise sa isang online media briefing noong 2023, “Ano ba… Ano ba exactly… ‘yong sinabi ng vice president… no’ng araw na ‘yan… November 23, 2024?” Hindi pa man din tapos ang pagtatanong, agaran namang tumutol ang defense team. “Your honor, the pauses of the prosecution are very confusing.” 

Ngunit si Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero rin mismo ay klinaro na patapusin muna ang prosecution bago mag-object. 

Sa buong proseso ng paglilitis, punong-puno na ng pag-object ang defense team. Sa isang punto, ito ang ibang rason para sa pagtutol:

  • Vague
  • Leading 

At sa isang bahagi ng paglilitis, tinanong ng defense team kung may script na sinusundan ang testigo dahil natukoy niya ang dokumento kahit walang kopya. Pero ika ni Atty. Ligutan, nakita na kasi ng testigo ang dokumento kaya natukoy ito. 

Sa umpisa pa lang, ang defense team mismo ay nag-object na sa pagpapakita ng ebidensiya, pero pinatawan ito ng “overruled” ni Escudero. Kuwinestiyon din nila ang photocopies na iprinesenta bilang ebidensiya, pero kinilala ni Atty. Ligutan na ang photocopies ay puwedeng ituring na orihinal sa ilalim ng rules on evidence.

Sa pag-usad ng trial, sunod-sunod ulit ang pagkontra ng defense team. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para maipresenta ang mga ebidensiya laban sa Bise.

Resibo para sa ilang mga sinabi ni Sara

Bago pa man ilabas ang ebidensiya sa Article IV, nirekomenda ni Sen. Alan Peter Cayetano na ipalabas ang 2-oras na bidyo ng online press conference kung saan sinabi ni Duterte ang kaniyang pagbabanta, kaysa sa pira-pirasong bersyon nito. Tinutulan naman ito ni Escudero sapagkat makakain ang oras ng paglilitis. 

Sa halip, ilan sa mahahalagang pahayag mula rito ang ipinakita ni Calilung sa impeachment court.

“I imagine myself cutting his head. So, noon, na-realize ko toxic na ‘di ba, ganyan na ‘yung imagination mo, sinasakal mo na ‘yung tao.” ayon kay Duterte noong 2024 nang magsimulang maging ‘toxic’ na ang kaniyang ugnayan kay Pangulong Ferdinand Marcos.

Agad tinanong ni Ligutan si Calilung kung kaninong ulo ang tinutukoy ng Bise, at klinaro na ulo raw ng Presidente.

Maliban dito, ipinakita rin ni Calilung ang bidyo ng isa pa sa mga pahayag ni Duterte.

“Isang beses sinabihan ko talaga si Senator Imee, sabi ko kaniya ‘Kung hindi kayo tumigil, huhukayin ko ‘yang tatay ninyo, itatapon ko siya sa West Philippine Sea.”

Isa pa ay ang bidyo kung saan sinabi ni Duterte na, “Hindi marunong maging presidente ang nakaupo. Kasalanan ko ba ‘yon?” Bukod dito, isinumite rin ang, “Kung presidente niyo siya, okay lang. Ako, hanggang vice president lang ako, hanggang number two lang itong bansa na ito.”

Tinukoy din ni Calilung ang hindi bababa sa tatlong bidyo na konektado rin sa pagpaplano ni Duterte sa pagpapapatay kina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez:

Sa dulo ng pagprepresenta ng ebidensiya, isa ang pinakapunto ni Atty. Litugan— nakipagkontrata ang Bise sa isang mamamatay tao upang ipapatay ang Pangulo, First Lady, at dating House Speaker.

Hadlang ba ang objection?

Halos bawat pagtatanong ng prosecution sa testigo ay may kasunod na pagtutol mula sa defense team. Gayunpaman, bahagi pa rin ang objection sa trial at due process. At ang pinakapunto nito ay upang matiyak na parehong panig ay maririnig at bibigyan ng pagkakataong kuwestiyunin ang naratibo. 

Kahit na tila sa pangalawang araw ng paglilitis—pinuno na ng objection ang buong pagdinig, ang bawat pagpapakita ng ebidensya.

1 Votes: 1 Upvotes, 0 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...