DA naglaan ng pondo sa 2027 budget, ube exports target na palawakin

Explained PHExplained PHNews1 month ago

Photo Courtesy of MyUbe.eu/DOA Official Website

Christia Chloe Amarilla

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) noong linggo ang paglalaan ng pondo sa panukalang 2027 national budget upang palakasin ang industriya ng ube sa bansa, kasabay ng lumalaking pandaigdigang demand para sa produktong Pilipino.

Layunin ng kagawaran na mapataas ang produksyon at mapalawak ang bahagi ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado ng ube.

Ayon sa DA, magsasagawa ito ng industry consultation sa Hulyo 23 upang tukuyin ang mga prayoridad na programa, kinakailangang pondo, at balangkas ng pamamahala para sa sektor.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nais ng kagawaran na direktang marinig ang pangangailangan ng mga magsasaka, processor, exporter, at iba pang stakeholder upang maging batayan ng mga programang ipatutupad.

Bilang bahagi ng plano, isinusulong ng DA ang pagtatatag ng isang national ube federation upang mapag-isa ang mga layunin ng mga producer, processor, at exporter.

Target din ng kagawaran na  pabilisin ang produksyon ng de-kalidad na planting materials sa pamamagitan ng tissue culture, community nurseries, at mini-sett propagation technique.

Plano rin nitong magtayo ng propagation centers sa Quezon, Laguna, Pangasinan, at Aurora, habang nakatakdang magdagdag ng mga processing hub sa Mindanao upang mapalawak ang kapasidad ng industriya.

Ayon kay Laurel, hindi kapwa Pilipinong nagtatanim ng ube ang pangunahing katunggali ng bansa kundi ang mga karatig-bansa sa ASEAN.

Dahil dito, pinatitibay ng DA ang mga hakbang upang mapataas ang kalidad at pagiging kompetitibo ng lokal na ube sa pandaigdigang merkado.

Kasama sa mga inisyatiba ang pagbuo ng standardized color grading system, pagpapalakas ng marketing efforts, pagprotekta sa intellectual property ng katutubong ube ng Pilipinas, at pagpapabilis ng pagpaparehistro ng mga bagong high-yielding varieties upang higit pang mapaunlad ang industriya at mapalawak ang export potential ng bansa.

3 Votes: 3 Upvotes, 0 Downvotes (3 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...