Karahasan sa paaralan, nag-udyok sa DepEd na humiling ng karagdagang pondo sa pagtatalaga ng mga sekyu

Explained PHExplained PHNews1 month ago

Photo Courtesy of GMA News/Sunstar

Hasanah Mamatod

Humihiling ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang pondo sa Department of Budget and Management upang makapagtalaga ng mas maraming security guard bilang bahagi ng pagpapatibay ng seguridad sa mga paaralan.

Bunsod ito ng matinding kakulangan sa mga security guard na kinakaharap ng mahigit 48,000 pampublikong paaralan matapos ihayag ng DepEd na 2,242 lamang ang mayroon ng mga ito sa buong bansa.

Isinusulong ito matapos ang sunod-sunod na insidente ng karahasan at mga banta ng school shooting sa iba’t ibang paaralan.

Kabilang dito ang pamamaril sa San Jose National High School noong Hunyo 22 na ikinasawi ng tatlong mag-aaral at ikinasugat ng 20 iba pa. 

Naiulat din ang magkakahiwalay na banta ng school shooting sa mga paaralan sa Escalante City, Batangas City at Tolosa National High School.

“Kailangan natin ng pondo para sa security guards. ‘Yan ang importante,” ani Education Secretary Sonny Angara.

Dagdag pa niya, may ilang paaralan na nangangailangan ng higit sa isang guwardiya upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani.

Nilinaw naman ng DepEd na batay sa pinakahuling datos nito noong Abril 24, may 2,494 na permanenteng posisyon para sa mga security guard. Sa mga ito, 2,242 ang napunan habang 252 ang nananatiling bakante.

Ibinahagi rin ni Angara na nagsimula ang kakulangan matapos alisin ang maraming posisyon ng mga security guard dahil sa isinagawang nationalization ng ilang posisyon sa pamahalaan bago pa siya maupo bilang kalihim ng DepEd.

Patuloy namang nagsasagawa ang DepEd ng safety audit sa mga paaralan upang matukoy ang iba pang kinakailangang hakbang para mapalakas ang seguridad ng mga mag-aaral at kawani.

5 Votes: 5 Upvotes, 0 Downvotes (5 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...