
I hope someday, when someone finally loves me, he doesn’t just learn how to float with me when the water is calm he learns how to stay, even if it means drowning with me in the depths I was always too afraid to show.
Sana kapag may nagmahal sa ‘kin, hindi siya ‘yong marunong lang lumangoy kapag kalmado ang tubig.
Sana marunong siya kahit may bagyo,
Kasi hindi ako palaging payapa.
Minsan, ako mismo ang bagyo sa sarili kong dagat.
Hindi ako mababaw.
Sana maintindihan mo iyon.
Karagatan ang puso ko, hindi swimming pool na kita mo agad ang ilalim. Ako ‘yong karagatang kailangan mong pag-aralan, yung kailangan pakiramdaman bago mo pasukin.
Malalim ako, oo.
Magulo. Minsan madilim. Minsan tahimik na nakakabingi.
Nandito lahat ng tinago ko.
Dito sa kaibuturan ng aking puso, nakalibing ‘yong batang ako na laging naghihintay na may manatili.
‘Yong mga gabing umiiyak ako nang walang tunog kasi ayokong may naistorbo dahil sa hagulgol ko.
‘Yong mga taong tinuruan kong lumangoy sa puso ko, pero iniwan din ako sa gitna habang mag-isa akong nalulunod.
At iyon ang kinatatakutan ko.
Na baka kapag nakita mo na kung gaano ako kalalim, matakot ka.
Na baka mapagod kang sumisid sa mga bahaging kahit ako ay naliligaw.
Na baka sabihin mong “masyado kang malalim, hindi kita kayang mahalin.”
Pero maniwala ka, hindi kita ilulunod.
Never.
Sanay akong malunod mag-isa, pero ni minsan hindi ko hahayaan na malunod ka dahil sa’kin.
Ang totoo, gusto lang kitang turuan kung paano maging ligtas sa lalim ko.
Kung paano huminga kahit sinasakop ka na ng alon ng mga insecurities ko, ng mga trauma kong hindi ko pa nakukwento.
Hindi ako madaling mahalin.
I know that. I have always known that.
Hindi ako yung babaeng pipiliin sa una, kasi hindi ako simple.
I am the kind of love that requires staying.
Kaya sana, kung mamahalin mo ako,
huwag sa mababaw na paraan.
Mahalin mo ako pati sa bahagi kong hindi maganda.
Sa parte na umiiyak, nagseselos, natatakot, at tahimik bigla.
Mahalin mo ako kahit hindi ako maingay, kahit hindi ako masaya, kahit hindi ako madaling intindihin.
Because here, in my deepest part,
dito mo lang narinig ‘yong totoong tibok ng puso ko.
Dito mo lang makikita ‘yong ako na marunong magmahal ng sobra-sobra, ‘yong ako na kapag nagmahal,
Katulad ng karagatan na sobrang lalim.
I am not shallow, so please don’t love me shallowly.
If you want me, dive. And if you dive, please don’t leave me drowning alone again.