FALSE: VPSD, kinilala bilang ‘Most Honest Public Servant of the Year’

Isang post ng The Metro Manila ang nagsasabing hinirang si Vice President Sara Duterte bilang ‘Most Honest Public Servant of the Year’ ng grupong Transparency Mindanao.

CLAIM

Kinilala ng grupong Transparency Mindanao si Duterte bilang ‘Most Honest Public Servant of the Year’ dahil sa kanyang pagpapahalaga sa integridad at paglilingkod bilang isang public official.

RATING: FALSE

CONCLUSION

Walang anumang digital trace ang grupong Transparency Mindanao sa social media upang mapatunayan ang kanilang pagkakakilanlan at ang pagkilala kay Duterte. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na hindi totoo ang ‘Most Honest Public Servant of the Year’ award ng Vice President.

THE FACTS

  • Batay sa pananaliksik, walang anumang pruweba o pagkakakilanlan ang grupong Transparency Mindanao sa anumang social media platform. Malaki ang posibilidad na ang award ni Duterte at ang post ay satirical o peke.
  • Ayon sa post, ibinigay ang pagkilala dahil sa integridad at paglilingkod ni Duterte bilang opisyal ng publiko. Gayunpaman, kasalukuyang nahaharap ang Vice President sa impeachment proceeding upang patunayan ang apat na articles of impeachment na isinampa laban sa kaniya—grave threats, misuse of confidential funds, unexplained wealth sa statement of assets, liabilities, and net worth (SALN), at panunuhol sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) habang siya pa ang Secretary nito.
  • Ayon sa survey ng OCTA Research Group para sa second quarter ng taong 2026, bumaba ng 8% ang trust rating ng Vice President, mula 55% patungong 47%. Bumaba rin ang performance rating niya, mula 50% patungong 45%.
  • Habang isinusulat ito, mayroong mayoryang ‘Haha’ reacts ang post. Nakakuha rin ito ng 1.1k comments at 518 shares sa Facebook.

THE BOTTOMLINE

Walang ulat na nagpapatunay sa natanggap na ‘Most Honest Public Servant of the Year’ award ni Vice President Sara Duterte.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...