UP LIKAS, gaganapin ang kanilang ika-34 Pambansang Kumperensiya ngayong darating na ika-10 at 11 ng Nobyembre, 2025

Suriin natin ang kasaysayang legal ng Pilipinas para maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng sistema ng hustisya ng bansa.

Sa darating na ika-10 at 11 ng Nobyembre 2025, samahan ang UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS), isang organisasyong pangkasaysayan sa UP Diliman, sa kanilang ika-34 Pambansang Kumperensiya na pinamagatang “Tarong: Batas at Hustisya sa Kasaysayang Pilipino” na gaganapin sa UP Diliman Statistics Auditorium.

Sa kasalukuyan, patuloy ang paglaganap ng inhustisya sa Pilipinas. Nananatiling maka-isang panig ang batas at hustisya mula sa mabilisang paghatol sa mga ordinaryong mamamayan hanggang sa pilit na pag-aantala ng mga kaso ng mga makapangyarihan gaya na lang ng impeachment ni Bise Presidente Sara Duterte at mga kaso ng korapsyon ng mga opisyal ng gobyerno. Kaya sa pagsuri ng kasaysayang legal ng Pilipinas, babagtasin ng tema ng Kumperensiya ang mga salik na humuhubog sa sistemang legal ng bansa gaya ng mga batas, konstitusyon, institusyong legal, kapangyarihan, mga awtoridad, at politika upang mas maintindihan natin ang kasalukuyang kalagayan ng sistema ng hustisya ng bansa.

Sa loob ng dalawang araw ng kumperensiya, tatalakayin ang mga mahahalagang paksa hinggil sa kasaysayang legal ng Pilipinas. Kabilang na rito ang malawak na epekto ng kolonyal na paghahari ng mga Espanyol at Amerikano sa pagtatatag at pagpapaunlad ng mga legal na institusyon sa bansa. Pag-uusapan ang mga mekanismo sa paggawa ng konstitusyon at kung paano nito hinubog ang sistemang legal ng Pilipinas sa kasalukuyan. Itatampok din ang iba’t ibang sektoral na grupo gaya ng kababaihan at iba pang minoridad, na may pokus sa kanilang legal na representasyon sa lipunang Pilipino. Tatalakayin din ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa kontemporaryong kasaysayan ng Pilipinas upang higit na maipakita ang bigat ng papel ng batas at hustisya sa buhay ng mga mamamayang Pilipino.

Sa pamamagitan ng Pambansang Kumperensiya, magtitipon-tipon ang mga dalubhasa kung saan ilalahad nila ang kanilang pananaliksik kaugnay sa paksa ng kasaysayan ng pangangasiwa ng hustisya sa Pilipinas. Layunin ng organisasyon na higit na makintal ang kamalayang pangkasaysayan ng mga delegadong mag-aaral, guro, at mga may hilig sa kasaysayan. Nais din ng organisasyon na higit na mahikayat ang mga tao na mag-aral ng kasaysayan ng sistemang legal at hudikatura nang masangkapan ang bawat isa ng kaalaman para labanan ang anumang porma ng banta sa pagkamit ng katarungan.

Sa mga nais dumalo at maging delegado ng Kumperensiya, magpatala sa aming regular registration form na mananatiling bukas hanggang Nobyembre 5, 2025:

Indibidwal na Pagpapatala: https://forms.gle/ozDoTHtJykCxY9Pk7

Pangkatang Pagpapatala: https://forms.gle/iS7daP3mB2QypgUP8

Upang malaman ang iba pang detalye ng Kumperensiya at masundan and mga kaganapan nito, mangyaring bisitahin ang Facebook page ng Kumperensiya sa link na ito:

https://www.facebook.com/PambansangKumperensiyaUPLIKAS

Tungo sa isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan.

#UPLIKAS

#PambansangKumperensiya

#Tarong2025

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...