2 estudyante sa Zamboanga City, sugatan sa pananaksak 

Explained PHExplained PHNews1 month ago

Photo Courtesy of Mindanao News/One News

Inaki Modrix Arejola

Sugatan ang dalawang grade 11 na mga estudyante nang pagsaksakin sila ng kanilang kaklase sa loob ng silid-aralan sa Cabaluay National High School sa Zamboanga City nitong Hulyo 2, 2026.

Batay sa Philippine National Police (PNP), nangyari ang insidente matapos bugbugin ng mga biktima ang suspek. 

Inilabas umano ng salarin ang isang kutsilyong nakabalot sa papel at inundayan ng saksak ang dalawa.

Agad naman na isinugod ang mga biktima sa ospital upang magamot habang idinala ang salarin sa guidance office ng naturang paaralan.

Ayon sa mga awtoridad, bullying ang itinuturong pinag-ugatan ng naturang pangyayari. Nakaramdam daw ng peer pressure ang suspek dahil itinutulak ito ng mga biktima na humithit ng marijuana.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng kinauukulan kung paano nakapasok ang patalim sa paaralan at ang pagkakasangkot ng ilegal na droga sa insidente.

Sa kabilang dako, nakikipag-ugnayan  ang Department of Education sa Zamboanga City Division upang masigurong maaaksyunan ang pangyayari at mabigyan ng tulong ang mga naapektuhan.

1 Votes: 1 Upvotes, 0 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...