Reymon Jaruala tumikada ng bagong rekord na nine-under 63; siyam na stroke, sinelyuhan

Photo Courtesy of Spin PH/Philstar/Daily Tribune

Mula sa rurok ng tagumpay, pinatunayan ni Reymon Jaruala ang tindi ng kanyang pwersa matapos magtala ng bagong rekord sa golf course na nine-under 63 sapat upang maibulsa ang kampeonato sa ginanap na ICTSI Del Monte Championship sa Bukidnon, nitong ika-17 ng Oktubre.

“I didn’t expect it to be this convincing,” ani ni Jaruala na buong lakas ang ibinigay.

Matatandaang hawak ni Clyde Mondilla ang rekord na 64 course noong 2023 na binasag ni Jaruala na rumatsada ng 63 rekord.

Ito ang pinakabagong rekord na naitala sa Philippine Golf Tour, matapos burahin ang dating rekord ni Mondilla noong taong 2023.

Simula pa lang ng bakbakan, hindi na pinaporma ni Jaruala ang kaniyang mga katunggali, dahilan  upang madali niyang makontrol at mapasakamay ang laro.

Samantala, si Rupert Zaragosa ay nagtala ng 71 para sa kabuuang 274, sapat upang makuha ang ikalawang puwesto, habang si Atsuhi Ueda ng Japan ay bumira ng 68 upang itala ang iktaltong puwesto na may kabuuang 275. 

“It’s nice to win where it (love for golf and career) started,” dagdag pa ni Jaruala habang sinusundan ang mga manonood na sinabayan ng hiyawan at sigawan na labis sumo-suporta sakaniya.

Ito ang ikaapat na panalo ni Jaruala matapos bitbitin sa kaniyang career ang kaniyang pagkatalo mula kay Mondilla noong taong 2023.

3 Votes: 3 Upvotes, 0 Downvotes (3 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...