P45 dagdag-sahod sa CALABARZON, ipinatupad sa gitna ng pagtaas ng inflation rate

Explained PHNews29 minutes ago

Geronimo Samuel Manuncia

Ipatutupad ng CALABARZON Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB 4A) ang P45 dagdag arawang-sahod para sa minimum wage workers sa rehiyon simula Okt. 26 bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), ang dagdag-sahod na may katumbas na P1,170 kada buwan ay inaasahang makatutulong sa higit 1.56 million na manggagawa sa rehiyon.

Sa kabilang ng pagpapatupad nito, ang halaga ng pagtaas ng arawang-sahod ay nakadepende pa rin sa sektor na kinabibilangan ng manggagawa at klasipikasyon ng munisipalidad, base sa Wage Order No. IVA-23.

Inaprubahan ng regional board at ng NWPC ang dagdag-sahod matapos nilang suriin ang kasulukuyang kalagayan ng kanilang lipunan at ekonomiya, alinsunod sa Republic Act No. 6727, o ang Wage Rationalization Act.

Nakaraang buwan nang magbabala ang ilang labor representatives sa RTWPB 4A sa isang public consultation na bumaba ang purchasing power ng kasalukuyang P600 daily minimum wage sa rehiyon sa tinatayang P444 dulot ng inflation.

Nitong Setyembre, nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 7.2% national inflation rate, na ayon sa labor groups ay may malaking epekto sa sahod ng mga manggagawa. 

Tiniyak ni Labor Secretary at NWPC Commission Chairperson Francis Tolentino na tututukan nila ang pagpapatupad ng wage hike upang masiguro ang pagsunod ng mga employers.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...