GOLDEN BONANZA: Calabarzon, nagmina ng 3 ginto, 1 pilak sa Palaro ‘26 table tennis team event

Photo Courtesy of Palarong Pambansa Media team/Chet Gutierrez/Facebook
Muling nagpasiklab ang Calabarzon sa larangan ng table tennis matapos humakot ng tatlong ginto at isang pilak na medalya sa team event sa ikalawang araw ng 2026 Palarong Pambansa, na idinaos sa Talacogon Municipal Gymnasium, Bayugan City, Mayo 26.

Umariba ang mga kalalakihan at kababaihan ng Calabarzon matapos pabagsakin sa trono ang defending champion NCR sa secondary womens’ at secondary mens’ division, habang nadepensahan naman ang titulo sa elementary girls at napasakamay ang ikalawang puwesto sa Elementary Boys.

Dumaan muna sa butas ng karayom ang koponan ng Calabarzon sa semifinals matapos ang 3–2 pagtakas kontra NCR, bago blangkuhin ang Zamboanga Peninsula, 3–0, sa finals ng Secondary Boys.

Sa kabilang banda, nangibabaw ang tambalan nina 2026 National PRISAA bronze medalist na si Hermina Angcao, at Sola Gratia Simon ng Calabarzon sa doubles match bago pantayan ng NCR sa pangunguna ni Jigyasa Cabrido, 2-2, na winakasan ni Erich Bianca Torzar sa makapigil hiningang 3-2 pagsalba para agawin ang korona sa NCR. 

Dumagdag din sa koleksyon ng medalya sina Olivia Rellama, Arianne Magno, Princess Mendoza, at Anne Lirio matapos madepensahan ang 2025 Palaro title ng Calabarzon kontra sa Central Luzon, 3-1.

Samantala, pinutol ng Eastern Visayas ang full-gold sweep ng Calabarzon sa team event matapos tuldukan ang tangkang reverse sweep sa huling match na pinagbidahan ni Mel Anthony Logrosa, 3-2.

Patuloy pa rin ang aksyon sa table tennis, habang ang mga natitirang kategoryang single, doubles, at mixed doubles ay idinadaraos mula Mayo 27 hanggang Mayo 30 sa parehong venue, matapos makumpleto ang team event sa ikalawang araw ng kompetisyon.

2 Votes: 2 Upvotes, 0 Downvotes (2 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...