FEU nanatiling No.1; UST No. 2 sa pagtatapos ng UAAP men’s volleyball elimination round

Photo Courtesy of UAAP
Nagposte ng mahahalagang panalo ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws at University of Santo Tomas (UST) Golden Spikers sa pagtatapos ng elimination round ng UAAP Season 88 men’s volleyball tournament Abril 22 sa Smart Araneta Coliseum.

Tinaasan ng FEU ang kanilang kampanya matapos talunin ang Ateneo Blue Eagles sa apat na set, 29–27, 25–23, 15–25, 25–19, upang manatili sa unang pwesto.

Pinangunahan ni Amet Bituin ang Tamaraws matapos kumamada ng 21 puntos mula sa 18 attacks at tatlong blocks, bukod pa sa ambag sa depensa at reception, upang dalhin ang koponan sa Final Four.

Ayon kay FEU head coach Eddieson Orcullo, naging susi ang kanilang paghahanda sa huling laban ng second round.

“Siguro nag-prepare nami nang maigi ngayon sa last day ng Round 2 ng preliminaries. Magkaintidihan lang dapat kami lagi. Kung ano ‘yung gusto natin, tapos kapag hindi tayo nagkaintidihan, medyo may ano tayo doon,” ani Coach Orcullo mula sa panayam ng Tiebreaker Times.

Sa panig ng Ateneo, nagtala si Aimar Okeke ng 24 puntos mula sa 22 attacks at dalawang blocks, habang nag-ambag si Umalalay rin ang Season 87 MVP na si Kennedy Batas ng 10 points sa sagupaan.

Sa kabila ng pagkatalo, pasok pa rin sa Final Four ang FEU at Ateneo at muli silang magtatagpo sa semifinals nitong Abril 29.

UST sinilat ikalawang pwesto

Samantala, siniguro ng UST ang ikalawang pwesto matapos talunin ang National University (NU) Bulldogs sa apat na set, 28–30, 25–18, 25–22, 25–23.

Pinasiklab ni two-time MVP Josh Ybañez ang sagupaan matapos magtala ng 27 big points mula sa 27 attacks at may 6 excellent. digs at 26. excellent receptions na umalalay sa panalo ng koponan. 

Nanatiling kumpiyansa si Ybañez laban sa Bulldogs, na matagal na nilang katunggali.

“I really believe we can do it. We’ve done it before, so it’s definitely possible to beat them,” ani Ybañez.

Nag-ambag naman sina Leo Ordiales at Obed Mukaba ng 17 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa NU.

Matapos ang playoff for No. 2 ng UST at NU sa Abril 25, tuluyang mapapinal ang Final Four seeding para sa ikalawa at ikatlong puwesto matapos magtabla ang dalawang koponan sa elimination round.

2 Votes: 2 Upvotes, 0 Downvotes (2 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...