ICYMI | UST, siniil AdU sa stepladder semis; haharap sa NU para puwesto sa finals

Photo Courtesy of UAAP Media

Dinomina ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigresses ang Adamson University (AdU) Lady Falcons matapos walisin sa UAAP Season 88 Women’s Volleyball Stepladder Semifinals, 25–16, 25–18, 25–19, nitong Abril 29 sa Smart Araneta Coliseum. 

Tangan ang bwena manong panalo kontra sa Falcons mula eliminations, ang Golden Tigresses ay bubwelta na laban sa second-seeded National University (NU) Lady Bulldogs sa women’s stepladder semis.

Dala ang winning momentum matapos pabagsakin ang FEU Lady Tamaraws para sa fourth seed, maagang ipinamalas ng UST Tigresses ang kumpiyansa matapos parusahan ang unforced errors ng AdU falcons upang makamit ang six-point lead sa unang set, 16–10.

Pagsapit ng ikalawang yugto, tinangkang bawian ng Falcons ang Tigresses matapos bumalandra ng 4–2 lead, na agad ding diniskaril ni Jonna Perdido upang tuldukan ang scoring-drought ng kanyang koponan na kalaunang winakasan gamit ang back-to-back aces ni Poyos. 

Sa huling serye, agarang binaliktad ng España-based university ang panimulang 7–8 lead ng Adamson nang mag breakthrough attack si Reg Jurado na sinundan pa ng  through-the-block attack ni Angge dahilan upang maselyuhan nila ang panalo.

Samantala, hinirang bilang Player of the Game si UST team captain Detdet Pepito matapos kumana ng 16 excellent digs at nine exceptional receptions.

“Sobrang saya lang, hindi ko pa rin alam kung totoo ba ‘to kasi kagabi parang nakatulog na ‘ko kaka-dasal kay Lord na paulit-ulit na sana ibigay ‘to sa amin,” wika ni team captain Pepito matapos ang laban.

Nag-ambag naman ng 17 puntos si Angge Poyos na sinahugan pa ng eight digs at seven receives dahilan upang mapasakamay nila ang panalo. 

“They really studied the right moves and communicated well,” ani coach Shaq delos Santos matapos makamit ng Growling Tigresses ang unang panalo kontra sa Lady Falcons sa S88.

“You can’t beat a team twice and expect to beat them the third time. You can expect them to work hard to win the next game like they did today,” saad ni Adamson middle blocker Frances Mordi sa panayam pagkatapos ng laro.

Gayunpaman, nagpakita parin ng tatag ang Adamson Lady Falcons nang pinangunahan ni Sophomore Shaina Nitura ang opensa sa pamamagitan ng 13 markers at isang block. 

Hindi pa rito nagtatapos ang kampanya ng UST Golden Tigresses para sa UAAP stepladder semi-finals match ‘pagkat kahaharapin nila ngayong ika-2 ng Mayo, ang NU Lady Bulldogs sa Big Dome.

1 Votes: 1 Upvotes, 0 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...