Paggamit ng anti-terror laws vs. media, kinondena ng UN special rapporteur

Explained PHExplained PHNews1 month ago

Photo Courtesy of Inquirer/Philstar

Zyra Marie Patosa 

Pinuna ni Irene Khan, United Nations (UN) Special Rapporteur, sa UN Human Rights Council noong ika-17 ng Hunyo, 2026, sa isang 18-page final report na kanyang ipinasa ang paggamit ng ilang bansa, kabilang ang Pilipinas, sa national security laws, counterterrorism, at iba pang katulad na batas bilang paraan upang patahimikin ang mga mamamahayag at tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Ang ulat na ito, na siyang huling akda ni Khan bago matapos ang kanyang termino, ay nagbabala sa pag-igting ng “weaponization” o ang pag-aarmas sa batas upang supilin ang lehitimong kalayaan sa pagpapahayag. 

Cumpio-Domequil-Abinguna case

Tinukoy sa ulat ang kaso ng journalist na si Frenchie Mae Cumpio, na nagsisilbing malinaw na ebidensya ng maling paggamit ng batas. 

“In the Philippines, ‘terrorism financing’ laws have been used against many journalists and human rights defenders, in one case dragging out legal proceedings for five years on dubious evidence while the journalist languished in pretrial detention and eventually received a disproportionately severe punishment,” aniya nang hindi binabanggit ng direkta ang pangalan ng Tacloban-based journalist.

Matatandaang inaresto si Cumpio noong 2020, at nito lamang Enero 2026, nahatulan siya ng 12 hanggang 18 taong pagkabilanggo dahil sa kasong terrorism financing.

Ang kaso ni Cumpio, kasama ang aktibistang si Marielle Domequil na naconvict noong Enero sa parehong kaso, at si Alexander Philip Abinguna, isa pang detained human rights advocate, ay inilarawan ng UN expert bilang bunga ng isang “deficient process” o kakulangan sa prosesong legal na nag-iiwan sa mga biktima ng limitadong paraan para makamit ang katarungan.

Panganib ng Red-tagging

Taong 2024 nang bisitahin ni Khan ang bansa, personal niyang nakausap ang mga detinado sa Tacloban City Jail, kung saan direktang natunghayan ang epekto ng red-tagging. 

“The three young adults, who were involved in community journalism, environmental reporting and humanitarian work, were red-tagged for their civic activism before being arrested and detained for their alleged affiliation with the Communist Party of the Philippines and/or the New People’s Army,” pahayag niya sa isang 2025 report.

Banta ng Artificial Intelligence (AI)

Bukod sa mga batas, nabanggit din ni Khan ang pag-usbong ng teknolohiya bilang bagong paraan ng pagsupil sa mga tumututol. Dramatically shrinking na aniya ang Freedom of expression.Gumagamit na rin ngayon ng AI-powered bot networks ang mga pamahalaan upang magpakalat ng disinformation, hate speech, at mang-udyok ng karahasan. 

Bilang halimbawa, binanggit sa kanyang ulat na natuklasan sa rapid response mechanism ng Canada ang anim na AI chatbots na nagpalaganap ng personal na datos ng limang mamamahayag na target ng isang hack-and-leak operation na iniuugnay sa Islamic Republic of Iran.

Kabilang din dito ang paggamit ng mga digital platform upang kontrolin ang impormasyong nakararating sa publiko. 

“Freedom of opinion and expression, a fundamental inalienable human right, has been privatized, monetized, manipulated and unlawfully restricted,” she said,” ani Khan.

Tugon ng NUJP

Nagpasalamat naman ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pagbunyag ng naturang report. 

Dagdag pa rito, sumang-ayon din ang NUJP sa obserbasyon ni Khan ukol sa Collusion o ang pagkakasundo ng gobyerno at mga tech oligarchs upang limitahan ang malayang diskuro.

Ipinunto nila ang patuloy na operasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklara rito bilang banta sa buhay at kalayaan.

Panawagan at Rekomendasyon

Bilang solusyon, nanawagan si Khan sa mga pamahalaan na magkaroon ng coalitions of multistakeholders upang masiguro na hindi kontrolado ng pulitika ang pagpapatupad ng mga patakaran. 

Hinimok din niya ang tinatawag na “smart regulation,” o ang paglikha ng mga polisiya na mahigpit na nakabatay sa international human rights law.

Bukod sa mga pagbabago sa batas, dapat limitahan din umano ang kapangyarihan ng malalaking kumpanya sa teknolohiya upang hindi nila mabago o makontrol ang mga impormasyong nakikita ng publiko.

“The diversity and pluralism of media is disappearing. That needs to be brought back because, as you know, media is a very important pillar of democracy,” dagdag pa niya.

Nanawagan naman ang NUJP sa administrasyong Marcos na magsagawa ng seryosong reporma, kabilang ang decriminalization of libel, pagpasa sa Freedom of Information law, clear-cut policy laban sa red-tagging at ang agarang pagrepaso sa Anti-Terrorism Act.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...