8 paaralan sa Pampanga, nabulabog sa online bomb threat

Explained PHNews1 month ago

Hasanah Mamatod

Nagdulot ng pangamba at pagkaantala sa klase ang kumalat na bomb threat sa Facebook na target umano ang walong pampublikong paaralan sa San Fernando, Pampanga.

Kabilang sa mga naapektuhan ang Potrero National High School at pitong kalapit na  mababang paaralan ng Duat, San Antonio, Balas, Sta. Barbara, Bacolor, Potrero, at Parulog, na pawang matatagpuan sa iisang compound.

Ayon sa San Fernando Police, agad silang kumilos matapos matanggap ang ulat sa kanilang hotline.

Nagpakalat ng mga bomb expert at K-9 units upang magsagawa ng masusing inspeksyon sa buong lugar.

Idineklara namang ligtas at negatibo sa anumang pampasabog ang mga paaralan matapos ang pagsusuri.

Matapos ang masusing pagsusuri, idineklarang ligtas ang lahat ng walong paaralan nang mapatunayang walang anumang explosive materials sa mga ito.

“While no explosive devices were found, incidents like these disrupt education and create fear in communities,” ani Philippine National Police Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Bunga nito, inatasan ni Nartatez ang mga police unit na paigtingin ang cyber patrol operations upang mapigilan ang mga katulad nitong pananakot. 

Kasabay nito, patuloy ang imbestigasyon  ng mga awtoridad upang matukoy at mapanagot ang nasa likod ng mga pagbabanta. 

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...