17 nasawi sa Bagyong Inday, habagat — NDRRMC

Explained PHExplained PHNews1 month ago

Photo Courtesy of Philstar

Nathalie Feliciano

Umabot na sa 17 katao ang nasawi dala ng Bagyong Inday at tumitinding habagat, batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, Hulyo 11.

Sa nasabing bilang, 10 ang naitala mula sa Malapatan, Sarangani; lima sa Calanogas, Lanao del Sur; at dalawa sa Bukidnon, sanhi ng pagguho ng lupa at pagkalunod.

Apat naman ang naiulat na sugatan habang siyam pa ang nawawala, bagaman patuloy pang isinasailalim sa beripikasyon ng mga awtoridad ang kabuuang bilang ng mga biktima.

Ayon sa ahensya, aabot sa mahigit 514,700 indibidwal o 112,500 pamilya ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyo at habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa mga apektadong pamilya, 2,900 ang kasalukuyang nanunuluyan sa 77 evacuation centers habang nagpapatuloy ang operasyon ng mga lokal na pamahalaan at responders.

Ayon naman sa Office of Civil Defense (OCD), 32 lugar ang naitalang binaha, ngunit posibleng madagdagan pa ito dahil inaasahang magpapatuloy ang epekto ng habagat hanggang Lunes. 

Samantala, humigit-kumulang ₱16.4 milyon na halaga ng tulong-pinansyal ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya sa mga residenteng naapektuhan.

Inanunsyo naman ng PAGASA na tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Inday dakong 8:20 ng umaga nitong Sabado, subalit patuloy pa ring nakararanas ng pag-ulan ang ilang lugar dahil sa umiiral na habagat.

Patuloy namang pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga inilalabas na babala, lalo na sa mga lugar na may mataas na panganib sa pagbaha at pagguho ng lupa.

2 Votes: 2 Upvotes, 0 Downvotes (2 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...