‎DFA, pinabubura ang bidyong naglalarawang ‘unggoy’ ang mga Pilipino

‎Carl Kristofe Malinao

Mariing iniutos ng Department of Foreign Affairs (DFA) na alisin ng China Daily ang isang bidyong naglalarawan sa mga Pilipino bilang mga “unggoy,” na tinawag nitong mapanlahi, mapanira sa dignidad ng tao, at hindi katanggap-tanggap.

‎“The Philippines demands that the offensive material be taken down, calls for the immediate cessation of such irresponsible content, and urges China to uphold dignity, respect, and truth in public discourse,” ani ng DFA.

‎Partikular na kinondena ng kagawaran ang isang AI-generated na bidyong inilathala sa Facebook account ng China Daily noong Hulyo 10, ‎ayon sa DFA lumampas na ito sa hangganan ng lehitimong pampulitikang debate dahil inilalarawan nito ang mga Pilipino bilang mga unggoy.

‎“The Philippines has consistently rejected false narratives and distortions regarding the Arbitral Award and the Philippines’ lawful positions in the South China Sea. ‎But we draw a firm line at the depiction of Filipinos as monkeys in the 10 July 2026 video, which is deeply offensive, distressing, and unacceptabl

‎Binigyang-diin din ng DFA na hindi maaaring gamiting dahilan ang mga hindi pagkakasundo sa usaping legal at pampulitika upang magpalaganap ng mapanlait, mapanira sa dignidad ng tao, at mapanlahing mga imahe.

‎“Disagreement over legal and political issues does not justify resorting to disturbing imagery, which has no place in the civil public discourse of a responsible state.”

‎Kamakailan lamang ay ginunita ng Pilipinas ang ika-10 anibersaryo ng Arbitral Award noong Hulyo 12, 2016, na nagpawalang-bisa sa malawak na pag-aangkin ng China sa South China Sea batay sa tinatawag nitong nine-dash line.

‎Patuloy na kinondena ng Beijing ang naturang pasya at iginiit na ito ay “null and void.”

‎Ayon sa DFA, patuloy na nilalabanan ng Pilipinas ang mga maling impormasyon kaugnay ng arbitral ruling at ng ligal na posisyon ng bansa sa West Philippine Sea.

‎Nagbabala rin ang kagawaran na ang pagpapalaganap ng ganitong uri ng nilalaman ay lalo lamang nagpapalalim sa kawalan ng tiwala sa pagitan ng Pilipinas at China

‎Kinondena rin ni Department of National Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang naturang bidyo at binansagan itong “contemptible propaganda” na sumasalamin sa “moral and intellectual bankruptcy” ng mga nasa likod nito.

‎Iginiit din niya na walang anumang propaganda ang makapagpapawalang-bisa sa ligal na tagumpay ng Pilipinas sa ilalim ng 2016 Arbitral Award.

‎Binatikos din ni Senador Robin Padilla ang naturang bidyo at iginiit na hindi katanggap-tanggap ang anumang mapanlahing paglalarawan laban sa mga Pilipino.

‎Aniya, dapat igalang ang dignidad ng bawat Pilipino at walang puwang ang rasismo sa pampublikong diskurso.

‎Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na tugon ang China Daily at ang Embahada ng China kaugnay ng pahayag ng DFA.

3 Votes: 2 Upvotes, 1 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...