MISLEADING: NBI Director Melvin Matibag, ipakukulong si Senator Alan Cayetano

Raine Mitchell Lapuz

Kamakailan lamang, ibinahagi sa isang Facebook post ang pahayag na iniimbestigahan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang mga iregularidad sa paggamit ng pondo para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Pilipinas. Kasabay nito ang paratang na sinabi rin umano ni Matibag na ‘ipakukulong niya si Sen. Alan Peter Cayetano.’

CLAIM:
Sa isang art card noong nakaraang Hulyo 15, nakasaad sa teksto ang sumusunod: “MELVIN MATIBAG IPAPAKULONG SI ALAN CAYETANO PATUNGKOL SA SEA GAMES NOONG 2019.”

RATING: MISLEADING

CONCLUSION:
Bagaman totoo na nagpasimula si NBI Director Matibag ng imbestigasyon upang suriin ang mga kahina-hinalang gastusin kaugnay ng 2019 SEA Games, wala siyang winika tungkol sa pagpapakulong kay Cayetano.

THE FACTS:

  • Iniimbestigahan lamang ng NBI ang bilyun-bilyong na perang unliquidated na pumasok sa ‘parang sports complex’ na ginamit noong SEA Games ng Philippine SEA Games Organizing Committee.
  • Iginiit rin ni Matibag na kung kailangan tanungin si Senator Alan, magalang nilang hihilingin sa kaniya ang pagbibigay-linaw ukol sa isyung nabanggit.

THE BOTTOMLINE:

Sinabi ni Matibag na isasampa niya ang kaso kay Cayetano matapos niyang ianunsyo ang pagsisimula ng imbestigasyon sa diumano’y mga iregularidad sa mga proyekto para sa 2019 SEA Games. Tanging si Cayetano ang nagtanghal dahil siya ang naatasang chairperson ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...