Paglagda sa Pax Silica framework ng PH-US, nakakasa sa Nobyembre

Explained PHExplained PHNews2 weeks ago

Photo Courtesy of CNN/Philippine Star

Ramil Miralles

Nakatakdang pirmahan ng Pilipinas at Estados Unidos ang ‘framework deal’ para sa isang 4,000-ektaryang artificial intelligence (AI) hub sa New Clark City, Tarlac, o mas kilala bilang Pax Silica, sa Nobyembre, ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Ang Pax Silica ay isang koalisyon na pinangungunahan ng US na nagsimula noong Disyembre 2025. 

Binubuo ito ng 30 kaalyadong bansa, kabilang na ang Pilipinas, na naglalayong tiyakin ang sapat na suplay ng semiconductor at mineral para sa AI.

Layunin ng Pax Silica na mapalawak ang mga pinagmumulan ng suplay bukod sa China, kasabay ng pangingibabaw nito sa paggawa ng mga kritikal na sangkap para sa AI manufacturing.

Sa isang panayam ng ANC News kay BCDA President at CEO Joshua Bingcang, layong ilabas ang pinal na framework ng Pax Silica sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Nobyembre.

Ayon kay Bingcang, inaasahan itong maging pangunahing anunsyo sa Nobyembre sakaling dumalo si US President Donald Trump, kasabay ng ika-80 anibersaryo ng ugnayang Pilipinas at Estados Unidos.

“We are under pressure to make sure that we deliver that,” ani Bingcang.

Kasalukuyan nang nagpaplano ang pribadong sektor sa Pilipinas para sa kanilang kontribusyon sa Pax Silica at Luzon Economic Corridor initiatives, ayon sa inihayag ni Ayala Corp. Chairman Jaime Augusto Zobel Ayala sa general membership meeting ng American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham).

“We’ve agreed at least as first steps, that we’ll work between the Makati Business Club and the American Chamber, rather than wait and give instructions, we move forward and start to map a path that will allow us to harness a rare opportunity where there is US emphasis on the Philippines,” ibinahagi ni Ayala.

Inanunsyo naman ni AmCham Executive Director Ebb Hinchliffe na magpapatuloy na ang mga operasyon ng sektor sa darating na mga linggo sa halip na maghintay pa sa pamahalaan.

“From the private sector, let’s start focusing on what’s needed, how do we do it, who’s going to do it from the private sector and let the government join us as is possible,” pahayag ni Hinchliffe.

Kamakailan naman ay inulan ng batikos mula sa publiko ang pakikilahok ng Pilipinas sa Pax Silica kaugnay sa magiging epekto nito sa kalikasan at ekonomiya ng bansa. 

Batay sa eksklusibong panayam ng The Manila Times kay University of the Philippines College of Science professor Dr. Giovanni Tapang, sisimutin ng Pax Silica ang mga likas na yaman ng walang ibinibigay na pakinabang sa mga mamamayang Pilipino.

5 Votes: 4 Upvotes, 1 Downvotes (3 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...