Mga kongresista, bumuo ng alyansa para sa tuloy-tuloy na reporma sa edukasyon

Photo Courtesy of EDCOM 2

Geo Angelo Labalan

Nagkaisa ang 33 kongresista mula sa iba’t ibang partido at distrito ng bansa upang buuin ang Congressional Alliance for Philippine Education (CAPE) para magkaroon ng isang alyansang nakatuon sa pagpapatibay ng mga plano at reporma sa edukasyon sa kabila ng pagpapalit ng politikal na administrasyon at termino. 

Sa pangunguna ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), ang pagkakaisa ng mga mambabatas ay inilunsad sa isang Congressional Forum sa University of the Philippines Bonifacio Global City, noong July 23.

Layon ng kasunduan na pagtibayin ang pagtutulungan ng mga kongresista sa pagpapatuloy ng mga pangunahing panukalang batas at pagprotekta ng pondo. Nilalayon din nitong palakasin ang pangangasiwa ng Kongreso sa edukasyon, upang matiyak ang tuloy-tuloy na reporma sa susunod na dekada, anuman ang pagbabago sa administrasyon.

Giit ni Chairperson of the House Committee on Higher and Technical Education at Co-chair ng EDCOM 2 Rep. Jude Acidre na marami sa mga panukalang proyekto ng komisyon ay kinakailangan ng mga taon ng tuloy-tuloy na pagpapatupad. 

“Education reform cannot end with the life of a commission, the term of a legislator, or the administration of a president. If we are serious about changing the future of Filipino learners, then our commitment to reform must outlast all of us,” ani Acidre.

Kasama sa kasunduan ang Philippine Education Reform Movement (PERM) na isang malawakang plataporma para buklorin ang Kongreso, mga paaralan, pamahalaang lokal, at ang pamayanan upang mapagpatuloy ang mga programang pang-edukasyon. 

Bilang isang programang uugnay sa buong sektor ng edukasyon, inilahad ni Acidre na ang PERM ay papagtibayin ang pagtutulungan ng mga mambabatas at mga guro upang naaayon sa tunay na kalagayan ng mga paaralan ang mga magiging lehislayong hakbang ng Kongreso. 

Nagpasalamat naman ang mambabatas kina Speaker Faustino By III, kapwa EDCOM 2 Co-Chair Rep. Roman Romulo, Executive Director Dr. Karol Mark Yee, at sa mga kongresistang dumulog sa pagpupulong dahil sa kanilang suporta sa naturang alyansa upang manatiling prioridad ng pamahalaan ang edukasyon kahit magbago ang liderato. 

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...