Hindi baha ang maglulunod sa taumbayan, kundi ang kapabayaan ng mga nasa kapangyarihan

Taon-taon inaasahan na ang suspensyon 

Maaaring dahil sa matinding init o dahil sa malakas na buhos ng ulan

Ngunit bakit palaging may mga estudyanteng kinakaligtaan?

Hindi na bago ang pagpasok sa kabila ng nakapapasong init 

At mas lalong hindi na bago ang sumuong sa ulan makapasok lang sa trabaho pati sa paaralan.

Ngayong humaharap na naman ang bansa sa matinding sakuna, 

Magkakaroon pa ba ng pangmatagalang tugon?

Bago pa man dumating ang bagyo, wala namang solusyong binubuo.

Kapag nandiyan na saka magkukunwaring bumubuo ng plano. 

Dadalaw sa mga bakwit at sisiguraduhing sa litrato’y makikita

Mamimigay ng kung anuman na ang balot ay mayroong pangalan nila 

Kung saan mas malaki pa ang kanilang mukha. 

Walang makakaahon sa bansang binabaha ng korapsyon

Patuloy na lulusong kung walang mag-iingay

At malulunod na lamang ang bayan kung palagi na lang itong hahayaan.

Lunurin ang mga sakim mula sa nag-uumapaw na galit ng taumbayan.

Huwag magpadala sa agos,

Mamulat. Makialam. Mag-ingay.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Previous Post

Next Post

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...