Senado, inalis ang fixed 16-vote threshold; bagong formula, ipatutupad sa VP trial

Explained PHNews13 hours ago

Photo Courtesy of Manila Bulletin/Inquirer

Christia Chloe Amarilla

Binaligtad ng Senate impeachment court ang dating fixed 16-vote threshold para sa conviction ni Vice President Sara Duterte, at sa halip ay nagpatibay ng formula na ibabatay ang two-thirds requirement sa mga senador na legal at aktuwal na kayang lumahok sa proceedings sa oras ng paghatol.

Sa botong 13-1, habang anim na senator-judges ang hindi lumahok, pinagbigyan ng impeachment court ang appeal ni Senator-Judge Erwin Tulfo laban sa July 6 interpretation ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero. 

Sa naunang ruling, itinuring na 16 votes ang kailangan para sa conviction dahil 24 ang kabuuang miyembro ng Senado at two-thirds nito ay 16.

Lumabas ang bagong usapin matapos kuwestiyunin ni Tulfo kung dapat pa ring isama sa voting base ang mga senador na hindi makalahok sa impeachment trial. 

Sa bagong ruling, sinabi ng korte na maaaring hindi isama sa denominator ang mga miyembrong detained o suspended, may legal na restriksyon sa kanilang tungkulin, hindi matagpuan ng mga awtoridad, physically o medically incapacitated, nasa labas ng coercive processes ng Senado, o nasa katulad na sitwasyon.

Si Escudero ang nag-iisang bumoto laban sa bagong ruling, habang hindi lumahok sina Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bong Go, Imee Marcos, Camille Villar, at Robinhood Padilla. 

Bagama’t hindi siya sang-ayon sa majority decision, sinabi ni Escudero na ipatutupad niya ito sa mga susunod na proceedings dahil tungkulin niyang pangalagaan ang proseso ng impeachment court.

Gayunman, hindi pa awtomatikong 14 votes ang bagong threshold. Kailangan munang tukuyin ng impeachment court, batay sa competent at sufficient evidence, kung sinu-sinong senator-judges ang maaaring ma-exclude sa voting base. Ang mga matitirang kwalipikadong miyembro ang magiging denominator para sa two-thirds computation.

Naglatag din ang korte ng bagong rule sa mathematical computation. Kapag may decimal ang two-thirds result, ira-round up ito sa susunod na buong numero. Halimbawa, kung 20 ang magiging denominator, ang two-thirds ay 13.33, dahil hindi sapat ang 13 votes para maabot ang two-thirds, magiging 14 votes ang kailangan.

Dahil dito, ang mahalagang pagbabago ay hindi simpleng “16 votes naging 14 votes,” kundi ang pagtanggal sa fixed 16-vote requirement at pagpapalit nito ng case-specific computation. 

Halimbawa, kung 20 ang magiging valid voting base, 14 votes ang kakailanganin, maaari itong magbago kung magbabago rin ang bilang ng mga senator-judge na legal at aktuwal na kwalipikadong lumahok. 

Nilimitahan din ng impeachment court ang ruling sa impeachment trial ni Duterte lamang, o pro hac vice. Ibig sabihin, hindi ito awtomatikong magiging binding rule para sa mga susunod na impeachment proceedings.

Sa kabuuan, ang September 23 ruling ay tungkol sa kung paano bibilangin ang kinakailangang votes para sa conviction, hindi pa sa kung ma-co-convict o maa-acquit si Duterte. Ang eksaktong conviction threshold ay malalaman lamang matapos matukoy ng impeachment court kung sinu-sino ang legal at factual na kabilang sa voting base sa oras ng final judgment.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...