‎₱20K subsidiya, ipamamahagi ng LTFRB sa modern jeepney operators

Explained PHNews7 minutes ago

‎Carl Kristofe Malinao 

‎Sisimulan ngayong Setyembre 16 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng ₱20,000 na subsidiya para sa mga kwalipikadong operator ng modern jeepney na inaasahang tutulong sa pagpapatibay ng modern jeepneys sa bansa.

‎Layunin ng ayuda na matulungan ang mga operator na nahihirapang tustusan ang kanilang vehicle amortization at iba pang gastusin sa pagpapatakbo ng kanilang mga yunit.

‎Kabilang sa mga sakop ng programa ang modern jeepney at UV Express sa buong bansa, gayundin ang mga modern bus na bumibiyahe sa Metro Manila.

‎Makatatanggap ng buwanang subsidiya ang mga kwalipikadong operator na may kasalukuyang atraso, hindi pa nababayarang loan, o nanganganib na mag-default sa kanilang mga obligasyon.

‎Saklaw ng programa ang hanggang tatlong buwang vehicle amortization o operational costs, depende sa pangangailangan ng kwalipikadong transport service entity (TSE).

‎Ayon sa LTFRB, maraming operator ang sumuporta sa programa ng pamahalaan na bumili ng mga modern jeepney sa pamamagitan ng loan program na may subsidiya mula sa national government.

‎“We in the LTFRB recognize the need to provide financial assistance to qualified TSEs in view of increasing fuel prices and other operational expenses that adversely affect public transport viability,” pahayag ni acting LTFRB Chairman Atty. Greg Pua.

‎Gayunman, naging hamon sa ilang operator ang patuloy na pagtaas ng kanilang mga gastusin, partikular ang epekto ng sigalot sa Middle East at ng masamang panahon sa kanilang kakayahang bayaran ang buwanang amortization.

‎Samantala, nagsimula na rin noong nakaraang buwan ang pagpapatupad ng LTFRB ng ₱12 kada litro na fuel discount para sa mga public utility vehicle (PUV).

‎Itinaas ng pamahalaan ang fuel discount mula ₱10 tungo sa ₱12 kada litro kasunod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, bilang karagdagang tulong sa mga operator at driver na nahaharap sa mas mataas na gastusin sa operasyon.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Previous Post

Next Post

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...