FALSE: BBM fire truck at ambulansya, parating na sa Quezon City

Isang post mula sa Facebook page ang nagsasabing malapit nang makatanggap ang Quezon City ng karagdagang fire trucks at ambulansya sa ilalim ng programang “Bawat Buhay ay Mahalaga” 

CLAIM:

Ayon sa post, malapit nang dumating sa Quezon City ang karagdagang fire trucks at ambulansya bilang bahagi ng nasabing programa para sa emergency response. 

RATING: FALSE

CONCLUSION: 

HIndi totoo ang pahayag na sa Quezon City isinagawa ang turnover. 

Ayon sa Quezon City Government, sa Quezon Province, ito ginanap at hindi konektado sa lungsod ang Facebook page na Quezon City Updates. 

THE FACTS:

  • Ayon sa opisyal na Facebook page ng Quezon City Government, sa Quezon Province isinagawa ang turnover ng mga fire truck at ambulansya na tinukoy sa press release ng DILG. Pinabulaanan ng pamahalaang lungsod ang kumakalat na post na nag-uugnay sa naturang aktibidad sa Quezon City. 
  • May pambansang plano ang DILG na bumili ng 1,500 fire trucks. Iniulat ang planong bumili ng 1,500 fire trucks sa 2027 sa pamamagitan ng kasunduang government-to-government sa South Korea. 
  • Inaasahang bababa sa ₱10 milyon mula sa dating ₱16 milyon ang halaga ng bawat fire truck, na maaaring magresulta sa tinatayang ₱9 bilyong matitipid ng pamahalaan. 
  • Hindi opisyal na pahina ng lungsod ang nagpakalat ng post. Nilinaw ng Quezon City Government na hindi ito kaanib o konektado sa Facebook page na Quezon City Updates. Pinayuhan nito ang publiko na sumangguni sa opisyal na Facebook page ng lungsod para sa beripikadong impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo nito. 

THE BOTTOMLINE: 

Maling iniuugnay sa Quezon City ang turnover na naganap sa Quezon Province. Bagama’t may pambansang plano ang DILG na bumili ng fire trucks, hindi nito pinatutunayan ang partikular na pahayag na parating na sa lungsod ang mga sasakyang tinutukoy sa viral post. 

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...