Alas Pilipinas wagi kontra Vietnam sa SEA V. League opener

Russielle Taduran

Napasakamay ng Alas PIlipinas Men’s Team ang kanilang kauna-unahang panalo sa 5th SEA Volleyball League Men’s Division Leg 1, matapos talunin ang Vietnam, 25-17, 25-23, 25-19 noong Hulyo 9 sa Candon Arena, Ilocos Sur.

Photo Courtesy of Asian Volleyball Confederation.

Namayani ang tambalan nina Leo Ordiales at Buds Buddin nang nagsalansan ng pinagsamang 36 attacks, na nagresulta sa pagbagsak ng ika-61 sa mundo na koponan ng Vietnam.

Nag-ambag din si Jade Alex Disquitado ng siyam na puntos,  habang si Rwenzmel Taguibolos ay tumulong ng pito pa, na lalong nagpahirap sa depensa ng Vietnam.

“I’m very happy for my performance because I showed my talent to the people watching here,” wika ni 6-foot-3 Ordiales sa isang panayam pagkatapos ng laban.

Maagang nagpakitang-gilas ang Alas Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Coach Angiolino Frigoni, matapos makapagtala ng 6-2 run upang isara ang unang set.

Sa ikalawang set, humabol ang Pilipinas mula sa 0-4 na umpisa, pinangungunahan ni Ordiales laban kay opposite hitter Pham Van Hiep, upang masikwat ang set.

Sa pangatlong set, winakasan ng pambansang koponan ang 19-all deadlock sa pamamagitan ng 6-0 run upang tapusin ang laban

Bagamat nabigo, ipinamalas pa rin nina N.N. Thuan, T.D. Tuyen, at Hiep ang kanilang husay at determinasyon matapos makapagtala ng kabuuang 27 puntos para sa Vietnam.

Susunod na makakaharap ng Alas Pilipinas ang powerhouse team ng Thailand sa Hulyo 10.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...