Atong Ang, nakatakas na sa Pilipinas — Remulla

Photo Courtesy of Inquirer.Net / Bombo Radyo News

Inilahad ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakalabas na ng bansa si Charlie “Atong” Ang, na kinikilala bilang mastermind sa pagkamatay ng ilang mga sabungero, at huling natagpuan sa Cambodia. 

Ayon kay Remulla, nahaharap si Ang sa kasong kidnapping, serious illegal detention, homicide charges, at may nakahaing warrant of arrest sa korte ng Batangas at Laguna. 

“We are confident that he is in that area,” saad ni Remulla matapos kumpirmahin kung nasa Cambodia pa rin si Ang. 

Samantala, hindi na ibinahagi ni Remulla kung paano nakalabas ng bansa si Ang, sa kabila ng mausisang pag-iimbestiga ng iba’t ibang ahensiya. 

Dagdag pa niya, nagkakahalaga ng ₱3 bilyon ang perang pagmamay-ari ni Ang na posibleng nai-convert na sa cryptocurrency. 

“With that kind of money, you can pay people,” giit ni Remulla.

Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Remulla na alam na ng pamahalaan ang kinaroroonan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, subalit binubusisi pa nito ang pagsasagawa ng operasyon sa sapilitang pag-aresto sa kaniya dahil sa posibilidad na humantong ito sa karahasan, katulad ng nangyari sa Marawi siege noong 2017. 

Bukod pa rito, ipinahayag din ni Remulla na wala si Dela Rosa sa Davao City, kundi nasa isang liblib na lugar sa Mindanao, kung saan protektado ng inilarawan niyang armado at makapangyarihang mga tao. 

Tumangging magbigay ng detalye si Remulla kung sino ang pumoprotekta kay Dela Rosa, subalit may warrant of arrest din ito mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan na kaugnay naman sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs. 

“They have a lot of armed men. They are a powerful group that we have to negotiate,” ani Remulla. 

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...