Bagong subspecies ng microsnail, kasingliit ng langgam? 

Photo courtesy of Philippine Journal of Systematic Biology/Masungi Georeserve/ABS-CBN

Hannah Marie Caduada

Sa gitna ng matayog na limestone formations ng Masungi Georeserve, isang halos hindi makitang nilalang ang nagbigay-liwanag sa saribuhay ng Pilipinas. Isang bagong subspecies ng microsnail na mas maliit pa sa mga langgam ang natuklasan. Pinangalanang Hyposelostoma latispira masungiensis ang microsnail.

Natukoy ang microsnail sa pamamagitan ng morphological examination at DNA analysis na isinagawa ng mga Pilipinong siyentistang sina Harold B. Lipae,  Angelique L. Estabillo, Iasn Kendrich C. Fontanilla, at Emmanuel Ryan C. de Chaves. Bagama’t may 99.98% genetic similarity ito sa kaparehong sprecies sa Baguio, ipinakita ng pag-aaral na may malinaw itong pisikal na pagkakaiba kabilang ang mas malaking shell at mas maraming “apertural teeth”, na nagpapatunay sa pagiging hiwalay na subspecies.

Ipinaliwanag ni Dr. Emmanuel Ryan C. de Chavez na mahigpit na nakaugnay ang buhay ng ganitong uri ng snail sa limestone karst. “Some land snails are exclusively found on limestones due to their dependence on high calcium content. Karts can also be considered as habitat islands ,” aniya. Dahil dito nagiging limitado ang saklaw ng kanilang tirahan at lalong tumitindi ang panganib nito.

Malinaw ang benepisyo ng pagkilala ng H.I masungiensis sa siyensya at edukasyon. Bukod sa pagpapalawak ng kaalaman sa saribuhay ng Pilipinas, nagbibigay ito ng oportunidad sa mga lokal na siyentista at mga mag-aaral na gumagawa ng field studies sa limestone karst ecosystems. “Discovering a new subspecies is like opening a window to an unseen world; it helps us understand ecological interactions at micro level,” paliwanag ni Lipae.

Sa kabila nito, binanggit ni Estabillo na “The species’ dependence on limestone means that even small changes in the environment like quarrying or deforestation can make a huge impact.” Limitado ang tirahan ng microsnail at sensitibo sa mga pagbabago ng kapaligiran, kaya nangangailangan ito ng agarang proteksyon upang hindi tuluyang maapektuhan ang populasyon. 

Sa kasalukuyang panahon, ang pagtuklas ng subspecies ay simbolo ng responsibilidad sa pangangalaga ng kalikasan sa harap ng climate change at urbanisasyon. “Protecting microhabitats like limestone karsts ensures the survival of countless species we haven’t discovered yet,” ayon kay Fontanilla. Isang hakbang sa pagpapanatili ng kalusugan at katatagan ng lokal na mga ecosystem. 

Higit pa sa siyentipikong tuklas, nagsisilbing panawagan ang H.I masungiensis na pangalagaan ang mga ecosystem. Sa pag-iingat sa kanilang tirahan, pinipili rin ng mga tao na pangalagaan ang malawak na saribuhay ng bansa , bago pa tuluyang mawala ang mga buhay na minsan lamang nagbigay ng senyales ng kanilang pag-iral.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...