
Jhovance Alecxis Dajao
Umiikot ang isang post online na nagsasabing ang mga construction worker sa General Santos City ay nabawian ng buhay matapos bumagsak ang isang gusali dahil sa malakas na lindol sa lugar.
CLAIM:
Isang Facebook post noong Hunyo 8, 2026 ay inangkin na ang mga construction worker sa larawan ay nasawi at natambakan umano sa isang gusali, na may caption na “Panginoon maawa Ka sa mga construction worker sa General Santos City na nasawi dulot ng lindol” sa Bisaya na diyalekto at “Lubos na pakikiramay ko sa lahat ng pamilya ng mga kababayan natin, mag-ingat po tayong lahat mga kababayan”.
Kabilang sa nilalaman ng post ang:
RATING: FALSE
CONCLUSION:
Walang opisyal na talaan at batayan na nagpapatunay na may mga construction worker sa General Santos City na nasawi dulot ng pagguho ng gusali dahil sa malakas na lindol. Ang mga larawan sa post ay gawa ng Artificial Intelligence (AI) at ang iba ay hindi nakaayon sa naturang lindol.
THE BOTTOMLINE:
Ang kumakalat na mga larawan ay hindi nagpapakita ng mga construction worker na nasawi sa lindol sa Mindanao o ng gusaling gumuho dahil sa naturang pagyanig. Ang unang larawan ay gawa ng AI habang ang pangalawa ay nagpapakita ng pagguho ng isang gusali sa Angeles City noong Mayo 24, 2026, bago pa maganap ang lindol.