Muling pagpapaliban ng BSKE 2026, pinayagan ng komite ng Senado

Romilen SantanderNews59 minutes ago

Photo Courtesy of Bombo Radyo News/Inquirer

Inaprubahan ng mga komite ng Senado ang panukalang batas na muling magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula sa nakaiskedyul nitong petsa sa Nobyembre 2, 2026 patungong Nobyembre 2028. Nagtatakda rin ito ng limang taong termino para sa mga ihahalal na lokal na opisyal.

​Matatandaang nagkaroon na ng pagpapaliban noong nakaraang taon, kung kailan inilipat ang botohan ngayong Nobyembre 2026. Dahil sa bagong pag-usad ng reporma sa komite, posibleng mausog muli ang nakatakdang eleksyon.

​Sa pahayag ni Senador Francis “Chiz” Escudero, may-akda ng Senate Bill No. 2387, layunin ng panukala na permanenteng iayos ang termino ng mga opisyal upang matapos ang paulit-ulit na pagpapaliban ng halalan sa bansa.

​“My bill does not extend. My bill fixes,” aniya.

​Binigyang-diin ng senador na pinoprotektahan ng kanyang hakbang ang integridad ng proseso laban sa anumang pabago-bagong pakikialam o pagkaantala mula sa Kongreso.

​Naglalayon ang naturang panukala na amiyendahan ang Republic Act No. 12232, ang kasalukuyang batas na nagtatakda ng apat na taong termino para sa mga opisyal ng barangay at SK.

​Bukod sa bersyon ni Escudero, naghain din si Senador Imee Marcos ng hiwalay na panukala—ang Senate Bill No. 2067. Nais ni Marcos na ilipat ang BSKE sa Oktubre 2027, mas maaga ng isang taon kumpara sa mungkahi ng senate panel na Nobyembre 2028.

​Dahil sa mga nakabinbing pagbabago, pormal nang umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa Kongreso.

​Ipinaalala ni COMELEC Chairman George Garcia na kailangan ng ahensya ng malinaw na pasya mula sa pamahalaan bago matapos ang Setyembre upang malaman kung itutuloy o ihihinto ang kanilang kasalukuyang paghahanda para sa halalan ngayong taon.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...