
Naglaan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng ₱50 milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong magtuturo sa kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na humaharap sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Ito ang inanunsyo ni DILG Secretary Jonvic Remulla ngayong Biyernes, Oktubre 23, sa isang press briefing kasabay ng pagturing nito sa senador bilang “armed and dangerous” habang nagpapatuloy ang paghahanap sa kaniya.
“It’s time for the gloves to come off. It’s time to bring justice to his victims. As of today, Senator Bato will be considered armed and dangerous,” pahayag ni Remulla.
Dagdag pa ng kalihim, ibinigay na umano ng pamahalaan kay Dela Rosa ang lahat ng konsiderasyong nararapat para sa isang senador ng bansa.
“We have given all the courtesy that could be afforded as a senator of the Republic of the Philippines. But he has shown nothing but cowardice by remaining in hiding,” ani Remulla.
Samantala, binigyan naman ng Philippine National Police (PNP) si Dela Rosa ng isang linggo upang kusang sumuko sa mga awtoridad, habang bumubuo na rin ang mga ito ng task force na tututok sa pagtukoy sa kinaroroonan ng senador.
Naghahanda na rin aniya sila ng hakbang kung sakaling hindi sumuko si Dela Rosa.
“We are now creating a dedicated group, a dedicated police officer na andyan ang ating DCA, Lieutenant General Wilson Lopez, who shall organize this operation, starting frpm the organization of the intel teams, to locate teams, including tactical teams, and up to the time that he will be, he will face trial at the ICC.” ani ni PNP Chief Jose Melencio Nartarez.
Matatandaang huling nakita ang senador sa Senado noong Mayo 14, 2026, nang umalis siya sa gusali ilang araw matapos muling magpakita sa publiko.
Naglabas ang ICC ng warrant of arrest laban kay bato noong Nobyembre 6, 2025, na isinapubliko noong Mayo 11, 2026, kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.