PH, Canada, paiigtingin ang ‘strategic partnership’

Explained PHExplained PHNews1 month ago

Photo Courtesy of ABS-CBN/ckom.com

Gianne Kahtlein Recilla

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagtitibayin ng Pilipinas at Canada ang bilateral relations nito sa pamamagitan ng ‘strategic partnership’ upang mas palakasin ang ugnayang pang-ekonomiko at depensa sa bansa.

Sa isang joint press conference nitong ika-2 ng Hulyo sa Canada, binigyang-diin ni Marcos na paiigtingin ang ugnayan ng dalawang panig matapos ang pagpupulong kasama si Prime Minister Mark Carney sa Vancouver Convention Centre. 

“Today, I am pleased to announce the elevation of our bilateral relationship through strategic partnership,” saad ni Marcos. 

“We have tasked our Foreign Ministers to draw up a Plan of Action to pursue our shared commitment to work together in adapting to shifting global realities, addressing shared challenges, and building capacities for a future-ready partnership,” dagdag niya. 

Nasaksihan din ni Marcos at Carney ang opisyal na paglagda sa apat na kasunduang tumatalakay sa enerhiya, likas na yaman, trabaho, at turismo. 

Dagdag pa rito, isinusulong din ang Joint Declaration of  Intent on Labor and Migration na naglalayong maprotektahan ang mga karapatan ng mga manggagawang Filipino sa Canada. 

“Filipino workers make extraordinary contributions to communities. We will make sure they are treated fairly, can work safely and have their rights respected,” giit ni Carney. 

Samantala, isinusulong ng dalawang bansa ang isang free trade agreement na inaasahang magpapataas ng bilateral trade ng halos 200% pagsapit ng 2035. 

Nakipagnegosasyon din ang Canada para sa free trade agreement sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Canada, na layuning maisakatuparan ngayong taon sa ilalim ng pamamahala ng Pilipinas sa ASEAN. 

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...