
ANTADA NG URI
Sa ngalan ng magsasaka,
At ng mangagagawa,
At ng uring mapagpalaya
Bangon!
URI NATIN
Uri manggagawa, bumangon ka,
Ipaglaban mo ang ngalan mo!
Mapasaatin nawa ang mundong ito,
Ating linangin ito,
Mula sa kanayunan hanggang sa kalunsuran.
Igaod natin ngayon,
Ang ating kakanin sa araw-araw.
At patawarin natin lahat
Ang mga sala
Para nang pagpapatawad natin
Sa lahat ng umapi sa atin.
At huwag nating itatwa ang hanay
Sa kalaban at kaaway
At iiwas natin ang lahat ng masama.
Bangon!
ABA GINOONG MAGSASAKA
Aba ginoong magsasaka,
Sayo mula ang grasya,
Ang panginoong-maylupa ay pabagsakin mo.
Bukod kang pinahirapan sa uring lahat,
At pinahihirapan rin ang mga tulad mo.
Mga magsasaka, ina ng lupa,
Ipanalangin nawa tayong makabayan,
Ngayon at hanggang sa tagumpay.
Bangon!
LUWALHATI
Luwalhati sa maso,
At sa karit,
At sa uring mapagpalaya,
Kapara noong unang-una,
Ngayon at magpakailanman,
At hanggang sa tagumpay,
Bangon!