Mga kuwentong PressConchella ng mga ‘gang

Bea Allyson Alimangohan

“Anong ‘gang ka?”
“ ‘gang DSPC/RSPC lang.”

May mas sasakit pa pala sa asul at dilaw na hindi maaaring pagsamahin—iyon ay kapag minulto ka ng NSPC at Coachella nang sabay.

Posibleng tanggap na ng kalooban kung hindi man makarating sa coachella dahil sa hirap ng buhay ngunit ang hindi—siguro ay iyong marinig si Rob Deniel na kumanta sa NSPC opening program.

Talo pa natin ang aso kung bantayan ang mga kaganapan sa Ormoc City, Cebu—dito kasalukuyang ginaganap ang NSPC 2026.

Kahit ilang heart, comment, or share pa tayo ng mga posts, kita sa ating mga mata ang saya para sa iba—at panghihinayang sa sarili.

Tintang putol-putol ang sulat
Para sa mga walang sawang sumusulat para sa katotohanan.

Isa sa pinakamahirap ay ang magsulat ng limang talata na may catchy headline na mas makabuluhan kaysa sa iba habang iniiwasang umulit ang ideya.

Kahit nasa gitna ng laban at nais pang sumulat, ang tinta ng kanilang panulat ay unti-unting napuputol.

Natatakot sa kadahilanang hindi naiintindihan nang maayos ang fact sheet o hindi maganda ang anggulong ginamit.

Wala na ngang boses, inubos pa ang tinta para tuluyang tumigil.

Mikroponong pipe
Mic test, mic test.
Bakit walang tunog?

Para sa mga brodkaster na ginamit ang ganda ng boses sa pamamahayag.

Sila ang mga nagbibigay boses sa mga istoryang dapat malaman ng masa.

Subalit habang nakatindig at hawak ang mikropono, ang mic test na ginagawa bago magsimula ang broadkas—biglang nawalan ng tunog.

Pinakatagos sa buto—sa puso na hindi maipakita sa malaking screen ang inihanda ng ilang araw, buwan, o taon.

‘Gang dito na lang
Maraming tumatakbo sa isip, isa na riyan ay ang pag-flashback ng mga pinaghirapan.

Mga luhang masasayang, mga pawis at puyat na mawawalan ng silbi sa huli.

Minsa’y iisipin mo na lang kung malas ba ako o hindi ko ba kaya ang ginagawa ng iba?

Na hang’GANG doon na lang ba talaga ako?

Para din ito sa mga ate at kuya na magtatapos na sa sekondarya, maaaring ito na ang kanilang huling laban.

Sa pagtatapos ng kompetisyon ngayong Abril 17—tandaan na ang mga kwento ay hindi matatapos sa kung hang’GANG saan ka sa PressCon.

Kantahin ang “Nandito ako” ni Rob Deniel na parang nasa Coachella ka talaga.

Magtiwala sa Kanya at sa sarili habang mas pinaghahandaan ang pagtungtong sa entablado muli.

Alalahaning ang totoong misyon ng isang campus journalist ay higit sa kompetisyon—higit sa PressCon.

11 Votes: 10 Upvotes, 1 Downvotes (9 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...