FALSE: Mall of Asia Globe, nagbigay ng tribute kay Rene Baterbonia

Jhovance Alecxis Dajao 
Umiikot ang isang post online na nagsasabing nagbigay umano ng tribute ang Mall of Asia (MOA) Globe sa pagkasawi ni Rene Baterbonia.

CLAIM:

Isang Facebook post ang inilathala noong Agosto 7, 2026 na nagpapakitang umano’y  binago ng MOA Globe ang disenyo nito upang magbigay-pugay kay Baterbonia. Makikita sa larawan ang pangalang  “RENE BATERBONIA” na nakalagay sa iconic globe sa harap ng mall.

RATING: FALSE

CONCLUSION:

Walang opisyal na pahayag, ebidensya mula sa Mall of Asia, SM Supermalls, o anumang mapagkakatiwalaang ulat na nagsasabing naglagay ng tribute kay Baterbonia sa MOA Globe. Ang kumakalat na imahe ay isang digitally edited na larawan. 

  1. THE FACTS 
  • Sa larawan, makikita ang pangalan ni Rene Baterbonia na tila nakalagay sa mismong estruktura ng globe sa harap ng SM Mall of Asia. Gayunman, walang opisyal na pahayag ang SM Mall of Asia or SM Supermalls, gayundin anumang ulat mula sa mga lehitimong media organization, na nagpapatunay na nagkaroon ng tribute kay Rene Baterbonia sa MOA Globe.
  • Makikita rin sa larawan ang ilang palatandaan ng digital manipulation. Ang mga titik na “RENE BATERBONIA” ay may ilaw at perspektibong hindi tugma sa kabuuang estruktura ng globe. Bukod dito, wala ring ibang larawan o video mula sa mga bisita ng MOA na nagpapakita ng kaparehong disenyo, bagay na malamang na agad kakalat sa social media kung ito’y nangyari. 
  • Hindi na bago ang pagkalat ng maling impormasyon kaugnay kay Rene Baterbonia. Kabilang dito ang isang edited image na nagpapakitang nakatali umano siya bago ang kanyang pagkasawi at ang manipulated video na nagpapakitang nagbigay umano ng tribute ang Burj Khalifa sa Dubai. Ito ay mga nilalamang napatunayang walang batayan.

THE BOTTOMLINE:

Walang katotohanan ang pahayag na nagbigay ng tribute ang MOA Globe kay Rene Baterbonia. Ang kumakalat na larawan ay manipulated at walang opisyal na kumpirmasyon mula sa SM Mall of Asia o iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...