FALSE: ‘DepEd, planong pag-isahin na lang ang Araling Panlipunan at MAPEH’

Mig Anishi Zamora

Isang Facebook post ang kumakalat na nagsasabing plano umano ng Department of Education (DepEd) na pag-isahin ang MAPEH at Araling Panlipunan bilang iisang asignatura. 

CLAIM:

Ipinapakita ng post na may kasalukuyang plano ang DepEd na pagsamahin ang MAPEH at Araling Panlipunan sa ilalim ng iisang asignatura bilang bahagi ng pagbabago sa kurikulum. 

RATING: FALSE

CONCLUSION:
Walang umiiral o nakaplanong polisiya ang DepEd na pagsamahin ang MAPEH at Araling Panlipunan. Bagama’t may pinanggalingang diskusyon noong 2023, malinaw na nilinaw ng ahensya na ito ay hindi ipinatupad at hindi bahagi ng kasalukuyang kurikulum.

THE FACTS:

  • Ayon sa opisyal na pahayag ng DepEd, ang kumakalat na balita ay nag-ugat sa isang PTV News report noong Abril 2023 na tumalakay sa panukalang “SIKAP,” kung saan pinag-usapan ang posibleng integrasyon ng ilang asignatura. Gayunman, iginiit ng ahensya na ito ay lumang diskusyon at hindi sumasalamin sa kasalukuyang polisiya.
  • Sa ilalim ng revised K to 10 (MATATAG) Curriculum, ipinakilala ang “Makabansa” bilang isang hiwalay at foundational learning area para sa Grades 1 hanggang 3, at hindi ito simpleng pinagsamang MAPEH at Araling Panlipunan.
  • Wala ring inilabas na anumang bagong memorandum, press release, o opisyal na anunsyo ang DepEd na nagpapatunay na may planong pagsamahin ang dalawang asignatura.

THE BOTTOMLINE:

Hindi totoo na pag-iisahin ng DepEd ang MAPEH at Araling Panlipunan. Ang kumakalat na balita ay nakabatay sa isang lumang diskusyon na muling ipinapakalat nang walang konteksto, kaya nagdudulot ng maling paniniwala na ito ay kasalukuyang polisiya.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...