
Jhovance Alecxis Dajao
Umiikot ang isang post online na nagsasabing nagbigay umano ng tribute ang Mall of Asia (MOA) Globe sa pagkasawi ni Rene Baterbonia.
CLAIM:
Isang Facebook post ang inilathala noong Agosto 7, 2026 na nagpapakitang umano’y binago ng MOA Globe ang disenyo nito upang magbigay-pugay kay Baterbonia. Makikita sa larawan ang pangalang “RENE BATERBONIA” na nakalagay sa iconic globe sa harap ng mall.
RATING: FALSE
CONCLUSION:
Walang opisyal na pahayag, ebidensya mula sa Mall of Asia, SM Supermalls, o anumang mapagkakatiwalaang ulat na nagsasabing naglagay ng tribute kay Baterbonia sa MOA Globe. Ang kumakalat na imahe ay isang digitally edited na larawan.
THE BOTTOMLINE:
Walang katotohanan ang pahayag na nagbigay ng tribute ang MOA Globe kay Rene Baterbonia. Ang kumakalat na larawan ay manipulated at walang opisyal na kumpirmasyon mula sa SM Mall of Asia o iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian.