Marcos, nilagdaan ang batas sa pagpapalawak ng voucher program sa K-12

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Basic Education Voucher Assistance Act, na magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga kuwalipikadong mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 12.

Saklaw ng programa ang mga mag-aaral mula sa mga pamilyang kabilang sa middle-class income pababa, habang bibigyang prayoridad naman ang mga mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan na tutukuyin ng Department of Education (DepEd). 

Kabilang sa maaaring maging benepisyaryo ang estudyante sa senior high school na walang malapit na pampublikong paaralang nag-aalok ng mga asignatura o elective subjects na naaayon sa kanilang napiling pathway. 

Ang DepEd ang magtatakda ng halaga ng voucher batay sa kanilang pananaliksik at rerepasuhin ito nang hindi bababa sa isang beses kada tatlong taon upang maisaalang-alang ang implementasyon ng naturang batas.

Bukod sa tulong-pinansyal, nakapaloob din ang iba pang suporta para sa mga pribadong paaralan at kanilang mga guro, tulad ng pagsasanay, subsidiya sa sahod, at scholarship opportunities para sa mga kwalipikadong guro.

Inaasahang magsisimula ang pagpapatupad ng programa para sa Kindergarten at elementarya sa School Year 2027–2028.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...