
Dinagsa ng libu-libong kababaihan ang Women’s Run PH 2026 na ginanap nitong Enero 18 sa SM Lanang, Davao City.
Tinatayang 3,500 kababaihan ang lumahok sa pinakamalaking women’s run sa Mindanao, isang kaganapang idinisenyo upang palakasin ang adbokasiya ng kababaihan sa kalusugan, lakas, at pagkakapantay-pantay.
Pormal na sinimulan ang pagtakbo sa iba’t ibang distansya, kabilang ang 1-kilometrong fun run para sa mga bata, gayundin ang 5 at 10 kilometro para sa mga adult participants.
Ayon kay Raniel Myka Rosendo, event manager ng nasabing pangyayari, inamin niyang bibigyan nila ng magandang kwalidad ang pagtakbo ngayon para sa lahat ng kababaihan ng mindanao.
“We are all set, and we are still dedicated to giving the best quality events and running experience to the ladies.” ani Rosendo sa panayam ng Mindanao Times.
Dagdag pa niya, naging maganda ang takbo ng pangyayaring ito nakaraang taon, humigit kumulang 1,700 participants ang nakilahok sa kanilang proyekto kung kaya’t natutuwa at na-eexcite siya umano ngayong araw para sa mga kalahok.
“Once we sold out of the 1,700, there were still a lot of ladies who were asking for more slots. That’s why this year we increased it,” aniya.
Layunin ng Women’s Run PH na patuloy na palawakin ang partisipasyon ng kababaihan sa larangan ng pagtakbo, kasabay ng pagsusulong ng pantay na pagtingin, respeto, at pagbibigay-lakas sa kababaihan.
With reports from Mindanao Times